Mga Awit 131

1 Panginoon, hindi hambog ang aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata; ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay, o sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.

2 Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa; parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina, ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.

3 Oh Israel, umasa ka sa Panginoon mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

eighteen − 13 =