II Mga Taga-Corinto 11

1 Kahimanawari’y mapagtiisan ninyo ako sa kaunting kamangmangan: nguni’t tunay na ako’y inyong pinagtitiisan. 2 Sapagka’t ako’y naninibugho tungkol sa inyo ng panibughong ukol sa Dios: sapagka’t kayo’y aking pinapagasawa sa isa, upang kayo’y maiharap ko kay Cristo na tulad sa dalagang malinis. 3 Nguni’t ako’y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva […]