Mga Taga-Roma 4

1 Ano nga ang ating sasabihin, na nasumpungan ni Abraham na ating magulang ayon sa laman? 2 Sapagka’t kung si Abraham ay inaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa, ay mayroon sana siyang ipagmamapuri; datapuwa’t hindi sa Dios. 3 Sapagka’t ano ang sinasabi ng kasulatan? At sumampalataya si Abraham sa Dios, at sa kaniya’y ibinilang na […]

Mga Taga-Roma 5

1 Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo; 2 Sa pamamagitan din naman niya’y nangagkaroon tayo ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios. 3 At hindi lamang […]

Mga Taga-Roma 6

1 Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? 2 Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan? 3 O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan? 4 Tayo nga’y […]

Mga Taga-Roma 7

1 O hindi baga ninyo nalalaman mga kapatid (sapagka’t nagsasalita ako sa mga taong nakakaalam ng kautusan), na ang kautusan ay naghahari sa tao samantalang siya’y nabubuhay? 2 Sapagka’t ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa’t kung ang asawa’y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng […]

Mga Taga-Roma 8

1 Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. 2 Sapagka’t ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. 3 Sapagka’t ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling […]

Mga Taga-Roma 9

1 Sinasabi ko ang katotohanang na kay Cristo, na hindi ako nagsisinungaling, na ako’y sinasaksihan ng aking budhi sa Espiritu Santo, 2 Na mayroon akong malaking kalungkutan at walang tigil na karamdaman sa aking puso. 3 Sapagka’t ako’y makapagnanasa na ako man ay itakuwil mula kay Cristo dahil sa aking mga kapatid, na aking mga […]

Mga Taga-Roma 10

1 Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila, upang sila’y mangaligtas. 2 Sapagka’t sila’y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa’t hindi ayon sa pagkakilala. 3 Sapagka’t sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, […]

Mga Taga-Roma 11

1 Sinasabi ko nga, Itinakuwil baga ng Dios ang kaniyang bayan? Huwag nawang mangyari. Sapagka’t ako man ay Israelita, sa binhi ni Abraham, sa angkan ni Benjamin. 2 Hindi itinakuwil ng Dios ang kaniyang bayan na nang una pa’y kinilala niya. O hindi baga ninyo nalalaman ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay Elias? kung paanong […]

Mga Taga-Roma 12

1 Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba. 2 At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang […]

Mga Taga-Roma 13

1 Ang bawa’t kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka’t walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Dios. 2 Kaya nga’t ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. 3 Sapagka’t ang mga pinuno […]