1 Pagkatapos ng mga bagay na ito’y umalis siya sa Atenas, at napasa Corinto. 2 At nasumpungan niya ang isang Judio na nagngangalang Aquila, isang lalaking tubo sa Ponto, na hindi pa nalalaong nanggagaling sa Italia, kasama ni Priscila na kaniyang asawa, sapagka’t ipinagutos ni Claudio na ang lahat ng mga Judio ay magsialis sa […]
Monthly Archives: September 2017
Mga Gawa 19
1 At nangyari, na, samantalang si Apolos ay nasa Corinto, pagkatahak ni Pablo ng mga lupaing matataas ay napasa Efeso, at nakasumpong ng ilang mga alagad: 2 At sa kanila’y sinabi niya, Tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo’y magsisampalataya? At sinabi nila sa kaniya, Hindi, hindi man lamang namin narinig na may ibinigay […]
Mga Gawa 20
1 At pagkatapos na mapatigil ang kaguluhan, nang maipatawag na ni Pablo ang mga alagad at sila’y mapangaralan, ay nagpaalam sa kanila, at umalis upang pumaroon sa Macedonia. 2 At nang matahak na niya ang mga dakong yaon, at maaralan na sila ng marami, siya’y napasa Grecia. 3 At nang siya’y makapaggugol na ng tatlong […]
Mga Gawa 21
1 At nang mangyaring kami’y mangakahiwalay na sa kanila at mangaglayag, ay tuloytuloy na pinunta namin ang Coos, at nang kinabukasa’y ang Rodas, at buhat doo’y ang Patara: 2 At nang aming masumpungan ang isang daong na dumaraang patungo sa Fenicia, ay nagsilulan kami, at nagsipaglayag. 3 At nang matanaw namin ang Chipre, na maiiwan […]
Mga Gawa 22
1 Mga kapatid na lalake at mga magulang, pakinggan ninyo ang pagsasanggalang na gagawin ko ngayon sa harapan ninyo. 2 At nang marinig nilang sila’y kinakausap niya sa wikang Hebreo, ay lalo pang tumahimik sila: at sinabi niya, 3 Ako’y Judio, na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia, datapuwa’t pinapagaral sa bayang ito, sa paanan ni […]
Mga Gawa 23
1 At si Pablo, na tumititig na mabuti sa Sanedrin, ay nagsabi, Mga kapatid na lalake, ako’y nabuhay sa harapan ng Dios sa buong kabutihan ng budhi hanggang sa mga araw na ito. 2 At ipinagutos ng dakilang saserdoteng si Ananias sa mga nalalapit sa kaniya na siya’y saktan sa bibig. 3 Nang magkagayo’y sinabi […]
Mga Gawa 24
1 At pagkaraan ng limang araw ay lumusong ang pangulong saserdoteng si Ananias na kasama ang ilang matatanda, at ang isang Tertulo na mananalumpati; at sila’y nangagbigay-alam sa gobernador laban kay Pablo. 2 At nang siya’y tawagin, si Tertulo ay nagpasimulang isakdal siya, na sinasabi, Yamang dahil sa iyo’y nangagtatamo kami ng malaking kapayapaan, at […]
Mga Gawa 25
1 Nang makapasok na nga si Festo sa lalawigan, pagkaraan ng tatlong araw ay umahon sa Jerusalem mula sa Cesarea. 2 At ang mga pangulong saserdote at ang mga maginoo sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa kaniya laban kay Pablo; at siya’y kanilang pinamanhikan, 3 Na humihingi ng lingap laban sa kaniya, na siya’y ipahatid […]
Mga Gawa 26
1 At sinabi ni Agripa kay Pablo, Ipinahihintulot sa iyong magsaysay ka sa ganang iyo. Nang magkagayo’y iniunat ni Pablo ang kaniyang kamay, at ginawa ang kaniyang pagsasanggalang: 2 Ikinaliligaya kong lubha, haring Agripa, na sa harapan mo’y gawin ko ang aking pagsasanggalang sa araw na ito tungkol sa lahat ng mga bagay na isinasakdal […]
Mga Gawa 27
1 At nang ipasiya na kami ay lalayag na patungo sa Italia, ay ibinigay nila si Pablo at ang iba pang mga bilanggo sa isang senturion na nagngangalang Julio, sa pulutong ni Augusto. 2 At sa paglulan namin sa isang daong Adrameto, na palayag sa mga dakong nasa baybayin ng Asia, ay nagsitulak kami, na […]