Lucas 19

1 At siya’y pumasok at nagdaan sa Jerico. 2 At narito, isang lalake na tinatawag sa pangalang Zaqueo; at siya’y isang puno ng mga maniningil ng buwis, at siya’y mayaman. 3 At pinagpipilitan niyang makita si Jesus kung sino kaya siya; at hindi mangyari, dahil sa maraming tao, sapagka’t siya’y pandak. 4 At tumakbo siya […]

Lucas 20

1 At nangyari, sa isa sa mga araw, samantalang tinuturuan niya ang bayan sa templo, at ipinangangaral ang evangelio, na nagsilapit sa kaniya ang mga saserdote, at ang mga eskriba pati ng matatanda; 2 At sila’y nangagsalita, na nangagsasabi sa kaniya, Sabihin mo sa amin: Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? […]

Lucas 21

1 At siya’y tumunghay, at nakita ang mga taong mayayaman na nangaghuhulog ng kanilang mga alay sa kabangyaman. 2 At nakita niya ang isang dukhang babaing bao na doo’y naghuhulog ng dalawang lepta. 3 At sinabi niya, Sa katotohana’y sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang babaing baong ito ay naghulog ng higit kay sa kanilang […]

Lucas 22

1 Malapit na nga ang pista ng mga tinapay na walang lebadura, na tinatawag na Paskua. 2 At pinagsisikapan ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba kung paanong kanilang maipapapatay siya; sapagka’t nangatatakot sila sa bayan. 3 At pumasok si Satanas kay Judas, na tinatawag na Iscariote, na kabilang sa labingdalawa. 4 At siya’y […]

Lucas 23

1 At nagsitindig ang buong kapulungan nila, at dinala siya sa harap ni Pilato. 2 At nangagpasimula silang isumbong siya, na sinasabi, Nasumpungan namin ang taong ito na pinasasama ang aming bansa, at ipinagbabawal na bumuwis kay Cesar, at sinasabi na siya rin nga ang Cristo, ang hari. 3 At tinanong siya ni Pilato, na […]

Lucas 24

1 Datapuwa’t nang unang araw ng sanglinggo pagkaumagang-umaga, ay nagsiparoon sila sa libingan, na may dalang mga pabango na kanilang inihanda. 2 At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan. 3 At sila’y nagsipasok, at hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus. 4 At nangyari, na samantalang sila’y nangatitilihan dahil dito, narito, […]

Marcos 1

1 Ang pasimula ng evangelio ni Jesucristo, ang Anak ng Dios. 2 Ayon sa pagkasulat kay Isaias na propeta, Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha, Na maghahanda ng iyong daan; 3 Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas; […]

Marcos 2

1 At nang siya’y pumasok uli sa Capernaum pagkaraan ng ilang araw, ay nahayag na siya’y nasa bahay. 2 At maraming nagkatipon, ano pa’t hindi na magkasiya, kahit sa pintuan man: at sa kanila’y sinaysay niya ang salita. 3 At sila’y nagsidating, na may dalang isang lalaking lumpo sa kaniya, na usong ng apat. 4 […]

Marcos 3

1 At siya’y muling pumasok sa sinagoga; at doo’y may isang lalake na tuyo ang kaniyang kamay. 2 At siya’y inaabangan nila kung pagagalingin siya sa araw ng sabbath; upang siya’y maisakdal nila. 3 At sinabi sa lalaking tuyo ang kamay, Magtindig ka. 4 At sinabi niya sa kanila, Katuwiran baga ang gumawa ng magaling […]

Marcos 4

1 At siya’y muling nagpasimulang magturo sa tabi ng dagat. At nagpipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pa’t siya’y lumulan sa isang daong, at siya’y naupo sa dagat; at ang buong karamihan ay nasa lupa sa tabi ng dagat. 2 At sila’y tinuruan niya ng maraming bagay sa mga talinghaga, at sinabi sa […]