Marcos 5

1 At nagsidating sila sa kabilang ibayo ng dagat sa lupain ng mga Gadareno. 2 At paglunsad niya sa daong, pagdaka’y sinalubong siya na galing sa mga libingan ng isang lalake na may isang karumaldumal na espiritu, 3 Na tumatahan sa mga libingan: at sinoma’y hindi siya magapos, kahit ng tanikala; 4 Sapagka’t madalas na […]

Marcos 6

1 At umalis siya doon; at napasa kaniyang sariling lupain; at nagsisunod sa kaniya ang kaniyang mga alagad. 2 At nang dumating ang sabbath, ay nagpasimulang magturo siya sa sinagoga: at marami sa nangakakarinig sa kaniya ay nangagtataka, na nangagsasabi, Saan nagkaroon ang taong ito ng mga bagay na ito? at, Anong karunungan ito na […]

Marcos 7

1 At nakisama sa kanila ang mga Fariseo, at ilan sa mga eskriba, na nagsipanggaling sa Jerusalem, 2 At kanilang nangakita ang ilan sa kaniyang mga alagad na nagsisikain ng kanilang tinapay ng mga kamay na marurumi, sa makatuwid baga’y mga kamay na hindi hinugasan. 3 (Sapagka’t ang mga Fariseo, at ang lahat ng mga […]

Marcos 8

1 Nang mga araw na yaon, nang magkaroong muli ng maraming tao, at wala silang mangakain, ay tinawag niya ang kaniyang mga alagad, at sinabi sa kanila, 2 Nahahabag ako sa karamihan, sapagka’t tatlong araw nang sila’y nangatira sa akin, at walang mangakain: 3 At kung sila’y pauwiin kong nangagugutom sa kanilang mga tahanan, ay […]

Marcos 9

1 At sinabi niya sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayong ito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa makita nila ang kaharian ng Dios na dumarating na may kapangyarihan. 2 At pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si Pedro, at si Santiago, at si […]

Marcos 10

1 At siya’y umalis doon, at pumasok sa mga hangganan ng Judea at sa dako pa roon ng Jordan: at ang mga karamihan ay muling nakipisan sa kaniya; at, ayon sa kaniyang kinaugalian, ay muling tinuruan niya sila. 2 At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, at siya’y tinanong, Matuwid baga sa lalake na ihiwalay […]

Marcos 11

1 At nang malapit na sila sa Jerusalem, sa Betfage at sa Betania, sa bundok ng mga Olivo ay sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad, 2 At sa kanila’y sinabi, Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo: at pagkapasok ninyo roon, ay masusumpungan ninyo ang isang nakataling batang asno, na hindi pa nasasakyan […]

Marcos 12

1 At nagpasimulang pinagsalitaan niya sila sa mga talinghaga. Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan, at binakuran ng mga buhay na punong kahoy, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain. 2 At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng […]

Marcos 13

1 At paglabas niya sa templo, ay sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, Guro, masdan mo, pagkaiinam ng mga bato, at pagkaiinam na mga gusali! 2 At sinabi ni Jesus sa kaniya, Nakikita mo baga ang malalaking gusaling ito? walang matitira ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato na di ibabagsak. […]

Marcos 14

1 Pagkaraan nga ng dalawang araw ay kapistahan ng paskua at ng mga tinapay na walang lebadura: at pinagsisikapan ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba kung paanong siya’y huhulihin sa pamamagitan ng daya, at siya’y maipapatay. 2 Sapagka’t sinasabi nila, Huwag sa kapistahan, baka magkagulo ang bayan. 3 At samantalang siya’y nasa Betania […]