Mateo 9

1 At lumulan siya sa isang daong, at tumawid, at dumating sa kaniyang sariling bayan. 2 At narito, dinala nila sa kaniya ang isang lumpo, na nakahiga sa isang higaan: at nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, ay sinabi sa lumpo, Anak, laksan mo ang iyong loob; ang iyong mga kasalanan ay ipinatatawad na. […]

Mateo 10

1 At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang labingdalawang alagad, at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman. 2 Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito: Ang una’y si Simon na […]

Mateo 11

1 At nangyari, na nang matapos nang masabi ni Jesus ang kaniyang mga utos sa kaniyang labingdalawang alagad, ay umalis siya roon upang magturo at mangaral sa mga bayan nila. 2 Nang marinig nga ni Juan sa bilangguan ang mga gawa ni Cristo, ay nagpasugo siya sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad, 3 At sinabi […]

Mateo 12

1 Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain. 2 Datapuwa’t pagkakita nito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniya, Tingnan mo, ginagawa ng mga alagad mo ang hindi matuwid na gawin […]

Mateo 13

1 Nang araw na yaon ay lumabas si Jesus sa bahay, at naupo sa tabi ng dagat. 2 At nakisama sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pa’t lumulan siya sa isang daong, at naupo; at ang buong karamihan ay nangakatayo sa baybayin. 3 At pinagsalitaan niya sila ng maraming mga bagay sa mga talinghaga, […]

Mateo 14

1 Nang panahong yao’y narinig ni Herodes na tetrarka ang balita tungkol kay Jesus, 2 At sinabi sa kaniyang mga tagapaglingkod, Ito’y si Juan Bautista; siya’y muling nagbangon sa mga patay; kaya’t ang mga kapangyarihang ito ay nagsisigawa sa kaniya. 3 Sapagka’t hinuli ni Herodes si Juan, at siya’y iginapos, at inilagay sa bilangguan dahil […]

Mateo 15

1 Nang magkagayo’y nagsilapit kay Jesus na mula sa Jerusalem ang mga Fariseo at ang mga eskriba, na nagsisipagsabi, 2 Bakit ang iyong mga alagad ay nagsisilabag sa sali’t-saling sabi ng matatanda? sapagka’t hindi sila nangaghuhugas ng kanilang mga kamay pagka nagsisikain sila ng tinapay. 3 At siya’y sumagot at sinabi sa kanila, Bakit naman […]

Mateo 16

1 At nagsilapit ang mga Fariseo at mga Saduceo, na tinutukso siya na sa kaniya’y nagsisihiling na sila’y pagpakitaan ng isang tanda na mula sa langit. 2 Datapuwa’t siya’y sumagot at sa kanila’y sinabi, Sa kinahapunan, ay sinasabi ninyo, Bubuti ang panahon: sapagka’t ang langit ay mapula. 3 At sa umaga, Ngayo’y uunos: sapagka’t mapula […]

Mateo 17

1 At pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si Pedro, at si Santiago, at si Juan na kapatid niya, at sila’y dinalang bukod sa isang mataas na bundok: 2 At nagbagong-anyo siya sa harap nila; at nagliwanag ang kaniyang mukha na katulad ng araw, at pumuting tulad sa ilaw ang kaniyang mga […]

Mateo 18

1 Nang oras na yaon ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nangagsasabi, Sino nga baga ang pinakadakila sa kaharian ng langit? 2 At pinalapit niya sa kaniya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila, 3 At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit […]