1 Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ayon sa pangako ng buhay na nasa kay Cristo Jesus, 2 Kay Timoteo na aking minamahal na anak: Biyaya, kaawaan, kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Panginoon natin. 3 Nagpapasalamat ako sa Dios, na mula sa […]
Monthly Archives: September 2017
II Kay Timoteo 2
1 Ikaw nga, anak ko, magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus. 2 At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba. 3 Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting […]
II Kay Timoteo 3
1 Datapuwa’t alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. 2 Sapagka’t ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, 3 Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil […]
II Kay Timoteo 4
1 Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, na siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian: 2 Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod […]
I Kay Timoteo 1
1 Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas, at ni Cristo Jesus na ating pagasa; 2 Kay Timoteo na aking tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, kahabagan, at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin. 3 Kung paanong ipinamanhik ko sa […]
I Kay Timoteo 2
1 Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao; 2 Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo’y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan. 3 Ito’y mabuti at nakalulugod sa paningin […]
I Kay Timoteo 3
1 Tapat ang pasabi, Kung ang sinoman ay magsisikap na maging obispo, ay mabuting gawa ang ninanasa. 2 Dapat nga na ang obispo ay walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, mapagpatuloy, sapat na makapagturo; 3 Hindi magulo, hindi palaaway, kundi malumanay, hindi mapakipagtalo, hindi maibigin sa salapi; 4 Namamahalang […]
I Kay Timoteo 4
1 Nguni’t hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio, 2 Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga; […]
I Kay Timoteo 5
1 Huwag mong pagwikaan ang matanda, kundi pangaralan mo siyang tulad sa ama; ang mga kabataang lalake na tulad sa mga kapatid: 2 Ang mga babaing matatanda na tulad sa mga ina; at ang mga kabataang babae na tulad sa mga kapatid na babae sa buong kalinisan. 3 Papurihan mo ang mga babaing bao na […]
I Kay Timoteo 6
1 Ang lahat ng mga alipin na nangasa ilalim ng pamatok ay ariin ang kanilang mga panginoon na karapatdapat sa buong kapurihan, upang ang pangalan ng Dios at ang aral ay huwag malapastangan. 2 At ang mga may panginoong nagsisisampalataya, ay huwag mayamot sa kanila, sapagka’t sila’y pawang magkakapatid; kundi bagkus paglingkuran nila silang mabuti, […]