I Samuel 9

1 May isang lalake nga sa Benjamin, na ang pangala’y Cis, na anak ni Abiel, na anak ni Seor, na anak ni Bechora, na anak ni Aphia, na anak ng isang Benjamita, na isang makapangyarihang lalake na may tapang. 2 At siya’y may isang anak na lalake, na ang pangala’y Saul, isang bata at makisig: […]

I Samuel 10

1 Nang magkagayo’y kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis, at ibinuhos sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka sa kaniyang mana? 2 Paghiwalay mo sa akin ngayon, ay masusumpungan mo nga ang dalawang lalake sa siping ng libingan […]

I Samuel 11

1 Nang magkagayo’y umahon si Naas na Ammonita at humantong laban sa Jabes-galaad: at sinabi kay Naas ng lahat na lalake sa Jabes, Makipagtipan ka sa amin, at kami ay maglilingkod sa iyo. 2 At sinabi ni Naas na Ammonita sa kanila, Sa ganitong paraan gagawin ko sa inyo, na ang lahat ninyong kanang mata […]

I Samuel 12

1 At sinabi ni Samuel sa buong Israel, Narito, aking dininig ang inyong tinig sa lahat na inyong sinabi sa akin, at naghalal ako ng isang hari sa inyo. 2 At ngayo’y narito, ang hari ay lumalakad sa unahan ninyo; at ako’y matanda na at mauban; at, narito, ang aking mga anak ay kasama ninyo: […]

I Samuel 13

1 Si Saul ay may (apat na pung) taong gulang nang siya’y magpasimulang maghari; at siya’y nagharing dalawang taon sa Israel. 2 At pumili si Saul para sa kaniya ng tatlong libong lalake sa Israel, na ang dalawang libo ay kasama ni Saul sa Michmas at sa bundok ng Bethel, at ang isang libo ay […]

I Samuel 14

1 Nangyari nga isang araw, na si Jonathan na anak ni Saul ay nagsabi sa bataan na tagadala ng kaniyang sandata, Halika at tayo’y dumaan sa pulutong ng mga Filisteo, na nasa dakong yaon. Nguni’t hindi niya ipinagbigay alam sa kaniyang ama. 2 At tumigil si Saul sa kaduluduluhang bahagi ng Gabaa sa ilalim ng […]

I Samuel 15

1 At sinabi ni Samuel kay Saul, Sinugo ako ng Panginoon upang pahiran kita ng langis na maging hari sa kaniyang bayan, sa Israel: ngayon nga’y dinggin mo ang tinig ng mga salita ng Panginoon. 2 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Aking tinandaan yaong ginawa ng Amalec sa Israel, kung paanong siya’y […]

I Samuel 16

1 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Hanggang kailan pananangisan mo si Saul yamang aking itinakuwil siya na maging hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay, at ikaw ay yumaon, susuguin kita kay Isai na Bethlehemita: sapagka’t ako’y naglaan sa kaniyang mga anak ng isang hari. 2 At sinabi ni Samuel, Paanong […]

I Samuel 17

1 Ngayo’y pinisan ng mga Filisteo ang kanilang hukbo upang bumaka at sila’y nagpipisan sa Socho, na nauukol sa Juda, at nagsihantong sa pagitan ng Socho at ng Azeca, sa Ephesdammim. 2 At nagpipisan si Saul at ang mga lalake ng Israel, at nagsihantong sa libis ng Ela, at nagsihanay sa pakikipagbaka laban sa mga […]