Isaias 51

1 Kayo’y magsipakinig sa akin, kayong nagsisisunod sa katuwiran, kayong nagsisihanap sa Panginoon: magsitingin kayo sa malaking bato na inyong kinaputulan, at sa luwang ng hukay na kinahukayan sa inyo. 2 Tingnan ninyo si Abraham na inyong ama, at si Sara na nanganak sa inyo; sapagka’t nang siya’y iisa ay tinawag ko siya, at aking […]

Isaias 52

1 Gumising ka, gumising ka, magsuot ka ng iyong kalakasan, Oh Sion; magsuot ka ng iyong mga magandang damit, Oh Jerusalem, na bayang banal: sapagka’t mula ngayo’y hindi na papasok pa sa iyo ang hindi tuli at ang marumi. 2 Magpagpag ka ng alabok; ikaw ay bumangon, umupo ka sa iyong luklukan, Oh Jerusalem: magkalag […]

Isaias 53

1 Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? 2 Sapagka’t siya’y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya. 3 Siya’y hinamak at itinakuwil […]

Isaias 54

1 Umawit ka, Oh baog, ikaw na hindi nanganak; ikaw ay magbiglang umawit, at humiyaw ng malakas, ikaw na hindi nagdamdam ng panganganak: sapagka’t higit ang mga anak ng binawaan kay sa mga anak ng may asawa, sabi ng Panginoon. 2 Iyong palakhin ang dako ng iyong tolda, at maladlad ang mga tabing ng iyong […]

Isaias 55

1 Oh lahat na nangauuhaw, magsiparito kayo sa tubig at siyang walang salapi; magsiparito kayo, kayo’y magsibili, at magsikain; oo, kayo’y magsiparito, kayo’y magsibili ng alak at gatas ng walang salapi at walang bayad. 2 Ano’t kayo’y nangaggugugol ng salapi sa hindi pagkain? at ng inyong gawa sa hindi nakabubusog? inyong pakinggan ako, at magsikain […]

Isaias 56

1 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo’y mangagingat ng kahatulan, at magsigawa ng katuwiran; sapagka’t ang aking pagliligtas ay malapit nang darating, at ang aking katuwiran ay mahahayag. 2 Mapalad ang taong gumagawa nito, at ang anak ng tao na nanghahawak dito; na nangingilin ng sabbath upang huwag lapastanganin, at nagiingat ng kaniyang kamay sa […]

Isaias 57

1 Ang matuwid na namamatay, at walang taong nagdadamdam; at mga taong mahabagin ay pumapanaw, walang gumugunita na ang matuwid ay naalis sa kasamaan na darating. 2 Siya’y nanasok sa kapayapaan; sila’y nagpapahinga sa kanilang mga higaan bawa’t lumalakad sa kaniyang katuwiran. 3 Nguni’t magsilapit kayo rito, kayong mga anak ng babaing manghuhula, na lahi […]

Isaias 58

1 Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan. 2 Gayon ma’y hinahanap nila ako araw-araw, at kinalulugdan nilang maalaman ang aking mga daan: na gaya ng bansa na gumawang […]

Isaias 59

1 Narito, ang kamay ng Panginoon ay hindi umiksi, na di makapagligtas; ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig, na di makarinig. 2 Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya’y huwag makinig. 3 Sapagka’t ang inyong […]

Isaias 60

1 Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka’t ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo. 2 Sapagka’t narito, tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: nguni’t ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo. 3 At ang […]