Mga Awit 91

1 Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat. 2 Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, siya’y aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan. 3 Sapagka’t kaniyang ililigtas ka sa silo ng paninilo, at sa mapamuksang salot. 4 Kaniyang tatakpan ka ng kaniyang […]

Mga Awit 92

1 Isang mabuting bagay ang magpapasalamat sa Panginoon, at umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan: 2 Upang magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga, at ng iyong pagtatapat gabigabi. 3 Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio; na may dakilang tunog na alpa. 4 Sapagka’t ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako […]

Mga Awit 93

1 Ang Panginoon ay naghahari; siya’y nananamit ng karilagan; ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; siya’y nagbigkis niyaon: ang sanglibutan naman ay natatag, na hindi mababago. 2 Ang luklukan mo’y natatag ng una: ikaw ay mula sa walang pasimula. 3 Ang mga baha ay nagtaas, Oh Panginoon, ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong; […]

Mga Awit 94

1 Oh Panginoon, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka. 2 Bumangon ka, ikaw na hukom ng lupa: ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila. 3 Panginoon, hanggang kailan ang masama, hanggang kailan magtatagumpay ang masama? 4 Sila’y dumadaldal, sila’y nagsasalita na may kapalaluan: lahat […]

Mga Awit 95

1 Oh magsiparito kayo, tayo’y magsiawit sa Panginoon: tayo’y magkaingay na may kagalakan sa malaking bato na ating kaligtasan. 2 Tayo’y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat, tayo’y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan. 3 Sapagka’t ang Panginoon ay dakilang Dios, at dakilang Hari sa lahat ng mga dios, 4 […]

Mga Awit 96

1 Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit: magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa. 2 Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya; ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw. 3 Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan. 4 Sapagka’t dakila ang […]

Mga Awit 97

1 Ang Panginoon ay naghahari; magalak ang lupa; matuwa ang karamihan ng mga pulo. 2 Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya: katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan. 3 Apoy ay nagpapauna sa kaniya, at sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot. 4 Tumatanglaw ang mga kidlat niya sa sanglibutan: nakita ng […]

Mga Awit 98

1 Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit; sapagka’t siya’y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay: ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya: 2 Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas: ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa. 3 Kaniyang inalaala […]

Mga Awit 99

1 Ang Panginoon ay naghahari: manginig ang mga bayan. Siya’y nauupo sa mga querubin; makilos ang lupa. 2 Ang Panginoon ay dakila sa Sion; at siya’y mataas na higit sa lahat ng mga bayan. 3 Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan: siya’y banal. 4 Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng […]

Mga Awit 100

1 Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain. 2 Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan. 3 Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo’y kaniya: tayo’y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan. 4 […]