Mga Awit 61

1 Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios; pakinggan mo ang aking dalangin. 2 Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso: patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin. 3 Sapagka’t ikaw ay naging aking kanlungan, matibay na moog sa kaaway. 4 Ako’y […]

Mga Awit 62

1 Sa Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa: sa kaniya galing ang aking kaligtasan. 2 Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan: siya ang aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos. 3 Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao. Upang patayin siya ninyong lahat, na gaya ng pader […]

Mga Awit 63

1 Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang maaga: kinauuhawan ka ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman, sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig. 2 Sa gayo’y tumingin ako sa iyo sa santuario. Upang tanawin ang iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian. 3 Sapagka’t ang iyong kagandahang-loob ay mainam […]

Mga Awit 64

1 Dinggin mo ang tinig ko, Oh Dios, sa aking hibik: ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway. 2 Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan; sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan: 3 Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak, at pinahilagpos ang kanilang mga […]

Mga Awit 65

1 Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion: at sa iyo’y maisasagawa ang panata. 2 Oh ikaw na dumidinig ng dalangin, sa iyo’y paroroon ang lahat ng laman. 3 Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin: tungkol sa aming pagsalangsang, ay lilinisin mo. 4 Mapalad ang tao na iyong pinipili, at pinalalapit […]

Mga Awit 66

1 Magkaingay kayong may kagalakan sa Dios, buong lupa. 2 Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan: paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya. 3 Inyong sabihin sa Dios, napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa! Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo. 4 Buong lupa ay sasamba sa iyo, at […]

Mga Awit 67

1 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami, at pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah) 2 Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa, ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa. 3 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan. 4 […]

Mga Awit 68

1 Bumangon nawa ang Dios, mangalat ang kaniyang mga kaaway; sila namang nangagtatanim sa kaniya ay magsitakas sa harap niya. 2 Kung paanong napaparam ang usok ay gayon nangapaparam sila. Kung paanong natutunaw ang pagkit sa harap ng apoy, gayon mamatay ang masama sa harapan ng Dios. 3 Nguni’t mangatuwa ang matuwid; mangagalak sila sa […]

Mga Awit 69

1 Iligtas mo ako, Oh Dios; sapagka’t ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa. 2 Ako’y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan: ako’y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos. 3 Ako’y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko’y tuyo: ang mga mata ko’y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking […]

Mga Awit 70

1 Magmadali ka, Oh Dios, na iligtas mo ako; magmadali ka na tulungan mo ako, Oh Panginoon. 2 Mangapahiya at mangalito sila, na nagsisiusig ng aking kaluluwa: mangapatalikod sila at mangadala sa kasiraang puri. Silang nangaliligaya sa aking kapahamakan. 3 Mangapatalikod sila dahil sa kanilang kahihiyan. Silang nangagsasabi, Aha, aha. 4 Mangagalak at mangatuwa sa […]