Mga Awit 81

1 Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan: mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob, 2 Magsiawit kayo at dalhin ninyo rito ang pandereta, ang masayang alpa sangpu ng salterio. 3 Magsihihip kayo ng pakakak sa bagong buwan, sa kabilugan ng buwan, sa ating dakilang kapistahan. 4 Sapagka’t pinakapalatuntunan sa Israel, […]

Mga Awit 82

1 Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios; siya’y humahatol sa gitna ng mga dios. 2 Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan, at magsisigalang sa mga pagkatao ng masama? (Selah) 3 Hatulan mo ang dukha at ulila: gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili. 4 Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan: iligtas […]

Mga Awit 83

1 Oh Dios, huwag kang tumahimik: huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios. 2 Sapagka’t narito, ang mga kaaway mo’y nanggugulo: at silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo. 3 Sila’y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan, at nangagsanggunian laban sa iyong nangakakubli. 4 Kanilang sinabi, Kayo’y parito, at atin silang […]

Mga Awit 84

1 Kay iinam ng iyong mga tabernakulo, Oh Panginoon ng mga hukbo! 2 Ang kaluluwa ko’y aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon; ang puso ko’t laman ay dumadaing sa buhay na Dios. 3 Oo, ang maya ay nakasumpong ng bahay, at ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang […]

Mga Awit 85

1 Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain: iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob. 2 Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan, iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah) 3 Iyong pinawi ang buong poot mo: iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit. 4 Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, at papaglikatin […]

Mga Awit 86

1 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako; sapagka’t ako’y dukha at mapagkailangan. 2 Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka’t ako’y banal: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo. 3 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka’t sa iyo’y dumadaing ako buong araw. 4 […]

Mga Awit 87

1 Ang kaniyang patibayan ay nasa mga banal na bundok. 2 Minahal ng Panginoon ang mga pintuang-bayan ng Sion, ng higit kay sa lahat na tahanan ng Jacob. 3 Maluwalhating mga bagay ang sinalita tungkol sa iyo, Oh bayan ng Dios. (Selah) 4 Aking babanggitin ang Rahab at ang Babilonia na kasama ng mga nakakakilala […]

Mga Awit 88

1 Oh Panginoon, na Dios ng aking kaligtasan, ako’y dumaing araw at gabi sa harap mo: 2 Masok ang aking dalangin sa iyong harapan: ikiling mo ang iyong pakinig sa aking daing: 3 Sapagka’t ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan, at ang aking buhay ay nalalapit sa Sheol, 4 Ako’y nabilang sa kanila […]

Mga Awit 89

1 Aking aawitin ang kagandahang-loob ng Panginoon magpakailan man: aking ipababatid ng aking bibig ang iyong pagtatapat sa lahat ng sali’t saling lahi. 2 Sapagka’t aking sinabi, Kaawaan ay matatayo magpakailan man: ang pagtatapat mo’y iyong itatatag sa mga kalangitlangitan. 3 Ako’y nakipagtipan sa aking hirang, aking isinumpa kay David na aking lingkod; 4 Ang […]

Mga Awit 90

1 Panginoon, ikaw ay naging tahanang dako namin sa lahat ng sali’t saling lahi. 2 Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios. 3 Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao; at iyong sinasabi, Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak […]