Nehemias 8

1 At ang buong bayan ay nagpipisan na parang isang lalake sa luwal na dako na nasa harap ng pintuang-bayan ng tubig; at sila’y nangagsalita kay Ezra na kalihim, na dalhin ang aklat ng kautusan ni Moises, na iniutos ng Panginoon sa Israel.

2 At dinala ni Ezra na saserdote ang aklat ng kautusan sa harap ng kapisanan, na mga lalake at mga babae, at lahat na makadidinig na may kaalaman nang unang araw ng ikapitong buwan.

3 At binasa niya roon sa harap ng luwal na dako na nasa harap ng pintuang-bayan ng tubig, mula sa madaling araw hanggang sa katanghaliang tapat sa harapan ng mga lalake at mga babae, at ng makakaalam: at ang mga pakinig ng buong bayan ay nakikinig sa aklat ng kautusan.

4 At si Ezra na kalihim ay tumayo sa pulpitong kahoy, na kanilang ginawa sa panukalang ito; at sa tabi niya ay nakatayo si Mathithias, at si Sema, at si Anaias, at si Urias, at si Hilcias, at si Maasias, sa kaniyang kanan; at sa kaniyang kaliwa, si Pedaias, at si Misael, at si Malchias, at si Hasum, at si Hasbedana, si Zacharias, at si Mesullam.

5 At binuksan ni Ezra ang aklat sa paningin ng buong bayan; (sapagka’t siya’y nasa mataas sa buong bayan;) at nang kaniyang buksan, ang buong bayan ay tumayo:

6 At si Ezra ay pumuri sa Panginoon, na dakilang Dios. At ang buong bayan ay sumagot: Siya nawa, Siya nawa, na may pagtataas ng kanilang mga kamay: at kanilang iniyukod ang kanilang mga ulo, at nagsisamba sa Panginoon na ang kanilang mga mukha’y nakatungo sa lupa.

7 Si Jesua naman, at si Bani, at si Serebias, at si Jamin, si Accub, si Sabethai, si Odias, si Maasias, si Celita, si Azarias, si Jozabed, si Hanan, si Pelaia, at ang mga Levita, ay nangagpakilala sa bayan ng kautusan; at ang bayan ay nakatayo sa kanilang dako.

8 At sila’y nagsibasa sa aklat, sa kautusan ng Dios, na maliwanag; at kanilang ibinigay ang kahulugan, na anopa’t kanilang nabatid ang binasa.

9 At si Nehemias na siyang tagapamahala, at si Ezra na saserdote na kalihim, at ang mga Levita na nangagturo sa bayan, ay nangagsabi sa buong bayan: Ang araw na ito ay banal sa Panginoon ninyong Dios; huwag kayong magsitaghoy, ni magsiiyak man. Sapagka’t ang buong bayan ay umiyak, nang kanilang marinig ang mga salita ng kautusan.

10 Nang magkagayo’y kaniyang sinabi sa kanila, Magsilakad kayo ng inyong lakad, magsikain kayo ng taba, at magsiinom kayo ng matamis; at mangagpadala kayo ng mga bahagi roon sa walang naihanda: sapagka’t ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon: huwag din kayong mangamanglaw; sapagka’t ang kagalakan sa Panginoon ay inyong kalakasan.

11 Sa gayo’y napatahimik ng mga Levita ang buong bayan, na sinasabi, Kayo’y magsitahimik, sapagka’t ang kaarawan ay banal; ni huwag man kayong mamanglaw.

12 At ang buong bayan ay yumaon ng kanilang lakad na nagsikain at nagsiinom at nangagpadala ng mga bahagi, at nangagsayang mainam sapagka’t kanilang nabatid ang mga salita na ipinahayag sa kanila.

13 At nang ikalawang araw ay nagpipisan ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng buong bayan, ang mga saserdote, at ang mga Levita, kay Ezra na kalihim, upang makinig sa mga salita ng kautusan.

14 At kanilang nasumpungang nakasulat sa kautusan, kung paanong iniutos ng Panginoon, sa pamamagitan ni Moises, na ang mga anak ni Israel ay magsitahan sa mga balag sa kapistahan ng ikapitong buwan:

15 At kanilang ihahayag at itatanyag sa lahat ng kanilang mga bayan, at sa Jerusalem, na sasabihin: Magsilabas kayo sa bundok, at magsikuha kayo ng mga sanga ng olibo, at ng mga sanga ng olibong gubat, at ng mga sanga ng mirto, at mga sanga ng palma, at mga sanga ng mga mayabong na punong kahoy, upang magsigawa ng mga balag, gaya ng nakasulat.

16 Sa gayo’y lumabas ang bayan, at nangagdala sila, at nagsigawa ng mga balag, bawa’t isa’y sa bubungan ng kaniyang bahay, at sa kanilang mga looban, at sa mga looban ng bahay ng Dios, at sa luwal na dako ng pintuang-bayan ng tubig, at sa luwal na dako ng pintuang-bayan ng Ephraim.

17 At ang buong kapisanan nila na bumalik na mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga balag, at tumahan sa mga balag: sapagka’t mula ng mga araw ni Josue na anak ni Nun hanggang sa araw na yaon ay hindi nagsigawa ang mga anak ni Israel ng gayon. At nagkaroon ng totoong malaking kasayahan.

18 Gayon din naman araw-araw, mula sa unang araw hanggang sa huling araw, kaniyang binasa ang aklat ng kautusan ng Dios. At kanilang ipinagdiwang ang kapistahan na pitong araw; at sa ikawalong araw ay takdang kapulungan, ayon sa ayos.

Nehemias 9

1 Nang ikadalawang pu’t apat na araw nga ng buwang ito ay nagpupulong ang mga anak ni Israel na may pagaayuno, at may pananamit na magaspang, at may lupa sa ulo nila.

2 At ang binhi ni Israel ay nagsihiwalay sa lahat na taga ibang bayan, at nagsitayo at nangagpahayag ng kanilang mga kasalanan, at ng mga kasamaan ng kanilang mga magulang.

3 At sila’y nagsitayo sa kanilang dako, at bumasa sa aklat ng kautusan ng Panginoon nilang Dios ng isang ikaapat na bahagi ng araw; at ang isang ikaapat na bahagi ay nagpahayag ng kasalanan, at nagsisamba sa Panginoon nilang Dios.

4 Nang magkagayo’y nagsitayo sa mga baytang ng mga Levita, si Jesua, at si Bani, si Cadmiel, si Sebanias, si Bunni, si Serebias, si Bani at si Chenani, at nagsidaing ng malakas sa Panginoon nilang Dios.

5 Nang magkagayo’y ang mga Levita; si Jesua at si Cadmiel, si Bani, at si Hosabnias, si Serebias, si Odaias, si Sebanias, at si Pethaia, ay nagsipagsabi, Kayo’y magsitayo at magsipuri sa Panginoon ninyong Dios na mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan: at purihin ang iyong maluwalhating pangalan, na nataas ng higit sa lahat ng pagpapala at pagpuri.

6 Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang; ikaw ang lumikha ng langit, ng langit ng mga langit, pati ng lahat na natatanaw roon, ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon, ng mga dagat at ng lahat na nangaroon, at iyong pinamalaging lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo.

7 Ikaw ang Panginoon na Dios, na siyang pumili kay Abram, at naglabas sa kaniya sa Ur ng mga Caldeo, at nagbigay sa kaniya ng pangalang Abraham.

8 At nasumpungan mo ang kaniyang puso na tapat sa harap mo, at nakipagtipan ka sa kaniya, upang ibigay ang lupain ng Cananeo, ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Jebuseo, at ng Gergeseo, upang ibigay sa kaniyang binhi, at tumupad ng iyong mga salita; sapagka’t ikaw ay matuwid.

9 At iyong nakita ang kadalamhatian ng aming mga magulang sa Egipto, at iyong dininig ang kanilang daing sa tabi ng Dagat na Mapula:

10 At nagpakita ka ng mga tanda at mga kababalaghan kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod, at sa buong bayan ng kaniyang lupain; sapagka’t iyong nakilala na sila’y nagsigawa na may kapalaluan laban sa kanila; at ipinagimbot mo ikaw ng pangalan gaya sa araw na ito.

11 At iyong hinawi ang dagat sa harap nila na anopa’t sila’y nagsidaan sa gitna ng dagat sa tuyong lupa; at ang mga manghahabol sa kanila ay iyong ibinulusok sa mga kalaliman na gaya ng isang bato sa malalim na tubig.

12 Bukod dito’y iyong pinatnubayan sila sa isang tila haliging ulap sa araw; at sa isang tila haliging apoy sa gabi, upang bigyan sila ng tanglaw sa daan na kanilang lalakaran.

13 Ikaw rin naman ay bumaba sa bundok ng Sinai, at nagsalita ka sa kanila mula sa langit, at binigyan mo sila ng mga matuwid na kahatulan at mga tunay na kautusan, mga mabuting palatuntunan at mga utos:

14 At ipinakilala mo sa kanila ang iyong banal na sabbath, at nagutos ka sa kanila ng mga utos, at ng mga palatuntunan, at ng kautusan, sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod:

15 At nagbigay ka sa kanila ng tinapay na mula sa langit sa kanilang pagkagutom, at nilabasan mo sila ng tubig na mula sa malaking bato sa kanilang pagkauhaw, at inutusan mo sila na magsipasok na ariin ang lupain na iyong isinumpa upang ibigay sa kanila.

16 Nguni’t sila at ang aming mga magulang ay nagsigawa na may kapalaluan, at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi dininig ang iyong mga utos.

17 At nagsitanggi na magsisunod, ni hindi man inalaala ang iyong mga kababalaghan na iyong ginawa sa gitna nila, kundi nagpatigas ng kanilang leeg, at sa kanilang panghihimagsik ay naghalal ng isang punong kawal upang magsibalik sa kanilang pagkabihag. Nguni’t ikaw ay Dios na madaling magpatawad, mapagbiyaya at puspos ng kaawaan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kahabagan, at hindi mo pinabayaan sila.

18 Oo, nang sila’y magsigawa sa kanila ng isang guyang binubo, at magsabi, Ito ay iyong Dios na nagahon sa iyo mula sa Egipto, at sila’y nagsigawa ng malaking pamumungkahi;

19 Gayon ma’y ikaw sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo pinabayaan sila sa ilang: ang tila haliging ulap ay hindi humiwalay sa kanila sa araw, upang patnubayan sila sa daan; ni ang tila haliging apoy man sa gabi, upang pagpakitaan sila ng liwanag at ng daan na kanilang lalakaran.

20 Iyo rin namang ibinigay ang iyong mabuting Espiritu upang turuan sila, at hindi mo inaalis ang iyong mana sa kanilang bibig, at bigyan mo sila ng tubig sa kanilang pagkauhaw.

21 Oo apat na pung taon na iyong kinandili sila sa ilang, at hindi sila nagkulang ng anoman; ang kanilang mga suot ay hindi naluma, at ang kanilang mga paa ay hindi namaga.

22 Bukod dito’y binigyan mo sila ng mga kaharian at mga bayan, na iyong binahagi ayon sa kanilang mga bahagi: sa gayo’y kanilang inari ang lupain ng Sehon, sa makatuwid baga’y ang lupain ng hari sa Hesbon, at ang lupain ni Og na hari, sa Basan.

23 Ang kanila namang mga anak ay pinarami mo na gaya ng mga bituin sa langit, at mga ipinasok mo sila sa lupain, tungkol doon sa iyong sinabi sa kanilang mga magulang, na sila’y magsiparoon, upang ariin.

24 Sa gayo’y ang mga anak ay pumasok at inari ang lupain, at iyong pinasuko sa harap nila ang mga mananahan sa lupain, ang mga Cananeo, at ibinigay mo sa kanilang mga kamay, pati ng kanilang mga hari, at ang mga bayan ng lupain, upang magawa nila sa kanila kung ano ang kanilang ibigin.

25 At sila’y nagsisakop ng mga bayan na nakukutaan, at ng matabang lupain, at nangagari ng mga bahay na puno ng lahat na mabubuting bagay, ng mga balon na hinukay, ng mga ubasan, at ng mga olibohan, at ng mga punong kahoy na may bungang sagana: na anopa’t sila’y nagsikain, at nangabusog, at naging mataba, at nangaaliw sa iyong malaking kagandahang loob.

26 Gayon ma’y naging manunuway sila at nanghimagsik laban sa iyo, at tinalikdan ang iyong kautusan, at pinatay ang iyong mga propeta na nangagpatotoo laban sa kanila na sila’y magsipanumbalik sa iyo, at sila’y nagsigawa ng malaking pamumungkahi.

27 Kaya’t iyong ibinigay sila sa kamay ng kanilang mga kalaban, na siyang nangagpapanglaw sa kanila: at sa panahon ng kanilang kabagabagan, nang sila’y magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at ayon sa iyong saganang mga kaawaan ay iyong binigyan sila ng mga tagapagligtas, na nangagligtas sa kanila sa kamay ng kanilang mga kalaban.

28 Nguni’t pagkatapos ng kanilang kapahingahan, sila’y nagsigawa uli ng kasamaan sa harap mo: kaya’t pinabayaan mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na anopa’t mga napapanginoon sa kanila: gayon ma’y nang sila’y magsipanumbalik, at magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at madalas na iyong iniligtas sila ayon sa iyong mga kaawaan.

29 At sumaksi ka laban sa kanila, upang mangaibalik mo sila sa iyong kautusan. Gayon ma’y nagsigawa sila na may kapalaluan, at hindi dininig ang iyong mga utos, kundi nangagkasala laban sa iyong mga kahatulan, (na kung gawin ng isang tao, siya’y mabubuhay sa kanila,) at iniurong ang balikat at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi nangakinig.

30 Gayon ma’y tiniis mong malaon sila, at sumaksi ka laban sa kanila ng iyong Espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta: gayon ma’y hindi sila nangakinig: kaya’t ibinigay mo sila sa kamay ng mga bayan ng mga lupain.

31 Gayon ma’y sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo lubos na niwakasan sila, o pinabayaan man sila; sapagka’t ikaw ay mapagbiyaya at maawaing Dios.

32 Ngayon nga, aming Dios, na dakila, na makapangyarihan at kakilakilabot na Dios, na nagiingat ng tipan at kaawaan, huwag mong ariing munting bagay sa harap mo ang hirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga saserdote, at sa aming mga propeta, at sa aming mga magulang, at sa iyong buong bayan, mula sa kapanahunan ng mga hari sa Asiria hanggang sa araw na ito.

33 Gayon ma’y banal ka sa lahat na dumating sa amin; sapagka’t gumawa kang may pagtatapat, nguni’t nagsigawa kaming may kasamaan:

34 Kahit ang aming mga hari, ang aming mga pangulo, ang aming mga saserdote, o ang aming mga magulang man, hindi nangagingat ng iyong kautusan, o nakinig man sa iyong mga utos at sa iyong mga patotoo, na iyong ipinatotoo laban sa kanila.

35 Sapagka’t sila’y hindi nangaglingkod sa iyo sa kanilang kaharian, at sa iyong dakilang kagandahang loob na iyong ipinakita sa kanila, at sa malaki at mabungang lupain na iyong ibinigay sa harap nila, o nagsihiwalay man sila sa kanilang mga masamang gawa.

36 Narito, kami ay mga alipin sa araw na ito, at tungkol sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang upang kanin ang bunga niyaon, at ang buti niyaon, narito, kami ay mga alipin doon.

37 At ang lupain ay nagbubunga ng marami sa ganang mga hari na iyong inilagay sa amin dahil sa aming mga kasalanan: sila nama’y may kapangyarihan din sa aming mga katawan, at sa aming hayop sa ikapagsasaya nila, at kami ay nangasa malaking kapanglawan.

38 At gayon ma’y dahil sa lahat na ito ay tapat na nangakikipagtipan kami, at isinusulat namin; at tinatakdaan ng aming mga prinsipe, ng aming mga Levita, at ng aming mga saserdote.

Nehemias 10

1 Yaon ngang nagsipagtakda ay: si Nehemias, ang tagapamahala, na anak ni Hachalias, at si Sedecias;

2 Si Seraias, si Azarias, si Jeremias;

3 Si Pashur, si Amarias, si Malchias;

4 Si Hattus, si Sebanias, si Malluch;

5 Si Harim, si Meremoth, si Obadias;

6 Si Daniel, si Ginethon, si Baruch;

7 Si Mesullam, si Abias, si Miamin;

8 Si Maazias, si Bilgai, si Semeias: ang mga ito’y saserdote.

9 At ang mga Levita: sa makatuwid baga’y, si Jesua na anak ni Azanias, si Binnui, sa mga anak ni Henadad, si Cadmiel;

10 At ang kanilang mga kapatid, si Sebanias, si Odaia, si Celita, si Pelaias, si Hanan;

11 Si Micha, si Rehob, si Hasabias;

12 Si Zachur, si Serebias, si Sebanias;

13 Si Odaia, si Bani, si Beninu;

14 Ang mga puno ng bayan: si Pharos, si Pahath-moab, si Elam, si Zattu, si Bani;

15 Si Bunni, si Azgad, si Bebai;

16 Si Adonias, si Bigvai, si Adin;

17 Si Ater, si Ezekias, si Azur;

18 Si Odaia, si Hasum, si Bezai;

19 Si Ariph, si Anathoth, si Nebai;

20 Si Magpias, si Mesullam, si Hezir;

21 Si Mesezabel, Sadoc, si Jadua;

22 Si Pelatias, si Hanan, si Anaias;

23 Si Hoseas, si Hananias, si Asub;

24 Si Lohes, si Pilha, si Sobec;

25 Si Rehum, si Hasabna, si Maaseias;

26 At si Ahijas, si Hanan, si Anan;

27 Si Malluch, si Harim, si Baana.

28 At ang nalabi sa bayan, ang mga saserdote, ang mga Levita, ang mga tagatanod-pinto, ang mga mangaawit, ang mga Nethineo, at lahat ng nagsihiwalay sa mga bayan ng mga lupain sa kautusan ng Dios, ang kanilang mga asawa, ang kanilang mga anak, na lalake at babae, bawa’t may kaalaman at kaunawaan;

29 Sila’y nagsilakip sa kanilang mga kapatid, na kanilang mga mahal na tao, at nagsisumpa, at nagsipanumpa, na magsilakad sa kautusan ng Dios, na nabigay sa pamamagitan ni Moises na lingkod ng Dios, at upang magsiganap at magsigawa ng lahat na utos ng Panginoon na aming Panginoon, at ng kaniyang mga kahatulan, at ng kaniyang mga palatuntunan;

30 At hindi namin ibibigay ang aming mga anak na babae sa mga bayan ng lupain, o papagaasawahin man ang kanilang mga anak na babae para sa aming mga anak na lalake.

31 At kung ang mga bayan ng lupain ay mangagdala ng mga kalakal o ng anomang pagkain sa araw ng sabbath upang ipagbili, na kami ay hindi magsisibili sa kanila sa sabbath, o sa pangiling araw: aming ipagpapahinga ang ikapitong taon, at ang pagsingil ng bawa’t utang.

32 Kami naman ay nangagpasiya rin sa sarili namin, na makiambag sa taon-taon ng ikatlong bahagi ng isang siklo ukol sa paglilingkod sa bahay ng aming Dios:

33 Ukol sa tinapay na handog, at sa palaging handog na harina, at sa palaging handog na susunugin, sa mga sabbath, sa mga bagong buwan sa mga takdang kapistahan, at sa mga banal na bagay at sa mga handog dahil sa kasalanan upang itubos sa Israel, at sa lahat na gawain sa bahay ng aming Dios,

34 At kami ay nangagsapalaran, ang mga saserdote, ang mga Levita, at ang bayan, dahil sa kaloob na panggatong upang dalhin sa bahay ng aming Dios, ayon sa mga sangbahayan ng aming mga magulang sa mga panahong takda, taon-taon, upang sunugin sa ibabaw ng dambana ng Panginoon naming Dios, gaya ng nasusulat sa kautusan.

35 At upang dalhin ang mga unang bunga ng aming lupa, at ang mga unang bunga ng lahat na bunga ng sarisaring puno ng kahoy, taon-taon, sa bahay ng Panginoon:

36 Gayon din ang panganay sa aming mga anak na lalake, at sa aming hayop, gaya ng nasusulat sa kautusan, at ang mga panganay sa aming bakahan at sa aming mga kawan, upang dalhin sa bahay ng aming Dios, sa mga saserdote, na nagsisipangasiwa sa bahay ng aming Dios:

37 At upang aming dalhin ang mga unang bunga ng aming harina, at ang aming mga handog na itataas, at ang bunga ng sarisaring punong kahoy, ang alak, at ang langis, sa mga saserdote, sa mga silid ng bahay ng aming Dios; at ang ikasangpung bahagi ng aming lupa sa mga Levita; sapagka’t sila, na mga Levita, ay nagsisikuha ng mga ikasangpung bahagi sa lahat na aming mga bayan na bukiran.

38 At ang saserdote na anak ni Aaron ay sasama sa mga Levita, pagka ang mga Levita ay nagsisikuha ng mga ikasangpung bahagi; at isasampa ng mga Levita ang ikasangpung bahagi ng mga ikasangpung bahagi sa bahay ng aming Dios, sa mga silid sa loob ng bahay ng kayamanan.

39 Sapagka’t ang mga anak ni Israel, at ang mga anak ni Levi ay mangagdadala ng mga handog na itataas, na trigo, alak, at langis, sa mga silid, na kinaroroonan ng mga sisidlan ng santuario, at ng mga saserdote na nagsisipangasiwa, at ng mga tagatanod-pinto, at ng mga mangaawit: at hindi namin pababayaan ang bahay ng aming Dios.

Nehemias 11

1 At ang mga prinsipe ng bayan ay nagsitahan sa Jerusalem: ang nalabi naman sa bayan ay nangagsapalaran upang mangagdala ng isa sa bawa’t sangpu na magsisitahan sa Jerusalem na bayang banal, at siyam na bahagi sa ibang mga bayan.

2 At pinagpala ng bayan ang lahat na lalake na nagsihandog na kusa na magsisitahan sa Jerusalem.

3 Ang mga ito nga ang mga pinuno sa lalawigan na nagsitahan sa Jerusalem: nguni’t sa bayan ng Juda ay tumahan bawa’t isa sa kaniyang pag-aari sa kanilang mga bayan, sa makatuwid baga’y ang Israel, ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga Nethineo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon.

4 At sa Jerusalem ay nagsitahan ang ilan sa mga anak ni Juda, at sa mga anak ni Benjamin. Sa mga anak ni Juda: si Athaias na anak ni Uzzias, na anak ni Zacarias, na anak ni Amarias, na anak ni Sephatias na anak ni Mahalaleel, sa mga anak ni Phares.

5 At si Maasias na anak ni Baruch, na anak ni Col-hoze, na anak ni Hazaias, na anak ni Adaias, na anak ni Joiarib, na anak ni Zacarias, na anak ng Silonita.

6 Ang lahat ng mga anak ni Phares na nagsitahan sa Jerusalem, ay apat na raan at anim na pu’t walo na mga matapang na lalake.

7 At ang mga ito ang mga anak ni Benjamin: si Salu na anak ni Mesullam, na anak ni Joed, na anak ni Pedaias, na anak ni Colaias, na anak ni Maaseias, na anak ni Ithiel, na anak ni Jesaia.

8 At sumusunod sa kaniya, si Gabbai, si Sallai, na siyam na raan at dalawang pu’t walo.

9 At si Joel na anak ni Zichri ay kanilang tagapamahala: at si Jehudas na anak ni Senua ay ikalawa sa bayan.

10 Sa mga saserdote: si Jedaias na anak ni Joiarib, si Jachin,

11 Si Seraias na anak ni Hilcias, na anak ni Mesullam, na anak ni Sadoc, na anak ni Meraioth, na anak ni Ahitub, na pinuno sa bahay ng Dios,

12 At ang kanilang mga kapatid na nagsigawa ng gawain sa bahay, walong daan at dalawang pu’t dalawa: at si Adaias na anak ni Jeroham, na anak ni Pelalias, na anak ni Amsi, na anak ni Zacarias, na anak ni Pashur, na anak ni Malchias,

13 At ang kaniyang mga kapatid, na mga pinuno sa mga sangbahayan ng mga magulang, dalawang daan at apat na pu’t dalawa: at si Amasai na anak ni Azarael, na anak ni Azai, na anak ni Mesillemoth, na anak ni Imer.

14 At ang kanilang mga kapatid, na mga makapangyarihang lalake na matatapang, isang daan at dalawang pu’t walo: at ang kanilang tagapamahala ay si Zabdiel na anak ni Gedolim.

15 At sa mga Levita; si Semaias na anak ni Hassub, na anak ni Azricam, na anak ni Hasabias, na anak ni Buni;

16 At si Sabethai at si Jozabad, sa mga pinuno ng mga Levita, na siyang nagsipamahala sa mga gawain sa labas sa bahay ng Dios;

17 At si Mattanias, na anak ni Micha, na anak ni Zabdi, na anak ni Asaph, na siyang pinuno upang magpasimula na magpasalamat sa panalangin, at si Bacbucias, sa ikalawa sa kaniyang mga kapatid; at si Abda na anak ni Samua, na anak ni Galal, na anak ni Jeduthun.

18 Lahat na Levita sa bayang banal, dalawang daan at walong pu’t apat.

19 Bukod dito’y ang mga tagatanod-pinto, na si Accub, si Talmon, at ang kanilang mga kapatid, na nangagbabantay sa mga pintuang-bayan, ay isang daan at pitong pu’t dalawa.

20 At ang nalabi sa Israel, sa mga saserdote, sa mga Levita, ay nangasa lahat na bayan ng Juda, bawa’t isa’y sa kaniyang mana.

21 Nguni’t ang mga Nethineo ay nagsitahan sa Ophel: at si Siha at si Gispa ay nasa mga Nethineo.

22 Ang tagapamahala naman sa mga Levita sa Jerusalem ay si Uzzi na anak ni Bani, na anak ni Hasabias, na anak ni Mattanias, na anak ni Micha, sa mga anak ni Asaph, na mga mangaawit, na nasa mga gawain sa bahay ng Dios.

23 Sapagka’t may utos na mula sa hari tungkol sa kanila, at takdang pagkain na ukol sa mga mangaawit, ayon sa kailangan sa bawa’t araw.

24 At si Pethahias na anak ni Mesezabel, sa mga anak ni Zerah, na anak ni Juda, ay nasa kapangyarihan ng hari sa lahat ng bagay na tungkol sa bayan.

25 At tungkol sa mga nayon, pati ng kanilang mga bukid, ang ilan sa mga anak ni Juda ay nagsitahan sa Chiriat-arba at sa mga nayon niyaon, at sa Dibon at sa mga nayon niyaon, at sa Jecabzeel at sa mga nayon niyaon;

26 At sa Jesua, at sa Moladah, at sa Beth-pelet;

27 At sa Hasar-sual, at sa Beerseba at sa mga nayon niyaon;

28 At sa Siclag, at sa Mechona at sa mga nayon niyaon;

29 At sa En-rimmon, at sa Soreah, at sa Jarmuth;

30 Sa Zanoah, sa Adullam, at sa mga nayon niyaon, sa Lachis, at sa mga parang niyaon, sa Azeca at sa mga nayon niyaon. Gayon sila nagsihantong mula sa Beer-seba hanggang sa libis ni Hinnom.

31 Ang mga anak ni Benjamin naman ay nagsitahan mula sa Geba, hanggang sa Michmas at sa Aia, at sa Beth-el at sa mga nayon niyaon;

32 At sa Anathoth, sa Nob, sa Ananiah;

33 Sa Hasor, sa Rama, sa Gitthaim;

34 Sa Hadid, sa Seboim, sa Neballath;

35 Sa Lod, at sa Ono, na libis ng mga manggagawa.

36 At sa mga Levita ay ang ibang mga bahagi sa Juda na pumisan sa Benjamin.

Nehemias 12

1 Ang mga ito nga ang mga saserdote at ang mga Levita na nagsisampa na kasama ni Zorobabel na anak ni Sealthiel, at ni Jesua: si Seraias, si Jeremias, si Ezra;

2 Si Amarias; si Malluch, si Hartus;

3 Si Sechanias, si Rehum, si Meremoth;

4 Si Iddo, si Ginetho, si Abias;

5 Si Miamin, si Maadias, si Bilga;

6 Si Semaias, at si Joiarib, si Jedaias;

7 Si Sallum, si Amoc, si Hilcias, si Jedaias. Ang mga ito’y ang mga pinuno sa mga saserdote at sa kanilang mga kapatid sa mga kaarawan ni Jesua.

8 Bukod dito’y ang mga Levita: si Jesua, si Binnui, si Cadmiel, si Serebias, si Juda, at si Mathanias, na namamahala sa pagpapasalamat, siya at ang kaniyang mga kapatid.

9 Si Bacbucias, naman at si Unni, na kanilang mga kapatid, ay nagkakaharapan sa kanikaniyang pulutong.

10 At naging anak ni Jesua si Joiacim, at naging anak ni Joiacim si Eliasib, at naging anak ni Eliasib, si Joiada,

11 At naging anak ni Joiada si Jonathan at naging anak ni Jonathan si Jaddua.

12 At sa mga kaarawan ni Joiacim, ay mga saserdote, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang: kay Seraias, si Meraias; kay Jeremias, si Hananias;

13 Kay Ezra, si Mesullam; kay Amarias, si Johanan;

14 Kay Melicha si Jonathan; kay Sebanias, si Joseph;

15 Kay Harim, si Adna; kay Meraioth, si Helcai;

16 Kay Iddo, si Zacarias; kay Ginnethon, si Mesullam;

17 Kay Abias, si Zichri; kay Miniamin, kay Moadias, si Piltai;

18 Kay Bilga, si Sammua; kay Semaias, si Jonathan;

19 At kay Joiarib, si Mathenai; kay Jedaias, si Uzzi;

20 Kay Sallai, si Callai; kay Amoc, si Eber;

21 Kay Hilcias, si Hasabias; kay Jedaias, si Nathanael.

22 Ang mga Levita sa mga kaarawan ni Eliasib, ni Joiada, at ni Johanan, at ni Jaddua, ay nangasulat sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang: gayon din ang mga saserdote sa paghahari ni Dario na taga Persia.

23 Ang mga anak ni Levi, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ay nangasulat sa aklat ng mga alaala, hanggang sa mga kaarawan ni Johanan na anak ni Eliasib.

24 At ang mga pinuno ng mga Levita: si Hasabias, si Serabias, si Jesua na anak ni Cadmiel, na may mga kapatid na nangasa tapat nila upang magsipuri at nangagpasalamat, ayon sa utos ni David na lalake ng Dios, sa pulutong at pulutong.

25 Si Mathanias, at si Bucbucias, si Obadias, si Mesullam, si Talmon, si Accub, ay mga tagatanod-pinto, na nangagbabantay sa mga kamalig ng mga pintuang-bayan.

26 Ang mga ito’y sa mga kaarawan ni Joiacim, na anak ni Jesua, na anak ni Josadac, at sa mga kaarawan ni Nehemias na tagapamahala, at ng saserdoteng Ezra na kalihim.

27 At sa pagtatalaga ng kuta ng Jerusalem ay kanilang hinanap ang mga Levita mula sa lahat nilang dako upang dalhin nila sila sa Jerusalem, na ipagdiwang ang pagtatalaga na may kasayahan, na may mga pagpapasalamat, at may mga awitan din may mga cimbalo, mga salterio, at may mga alpa.

28 At ang mga anak ng mga mangaawit ay nagpipisan mula sa kapatagan ng palibot ng Jerusalem, at mula sa mga nayon ng mga Netophatita;

29 Mula rin naman sa Beth-gilgal, at mula sa mga parang ng Geba at ng Azmaveth: sapagka’t nangagtayo sa ganang kanila ang mga mangaawit ng mga nayon sa palibot ng Jerusalem.

30 At ang mga saserdote at ang mga Levita ay nangagpakalinis; at kanilang nilinis ang bayan, at ang mga pintuang-bayan, at ang kuta.

31 Nang magkagayo’y isinampa ko ang mga prinsipe sa Juda sa ibabaw ng kuta, at akin silang pinapagdalawang malaking pulutong na nangagpasalamat at nagsiyaong sunodsunod; na ang isa’y lumalakad sa kanan sa ibabaw ng kuta sa dako ng pintuang-bayan ng tapunan ng dumi;

32 At sumusunod sa kanila si Osaias, at ang kalahati sa mga prinsipe sa Juda,

33 At si Azarias, si Ezra, at si Mesullam,

34 Si Juda, at si Benjamin, at si Semaias, at si Jeremias,

35 At ang iba sa mga anak ng mga saserdote na may mga pakakak: si Zacarias na anak ni Jonathan, na anak ni Semaias, na anak ni Mathanias, na anak ni Micaya, na anak ni Zacur, na anak ni Asaph;

36 At ang kaniyang mga kapatid, na si Semaias, at si Azarel, si Milalai, si Gilalai, si Maai, si Nathanael, at si Juda, si Hanani, na may mga panugtog ng tugtugin ni David na lalake ng Dios; at si Ezra na kalihim ay nasa unahan nila:

37 At sa tabi ng pintuang-bayan ng bukal, at nagtuwid sila sa harapan nila, na sila’y nagsisampa sa mga baytang ng bayan ni David sa sampahan sa kuta, sa ibabaw ng bahay ni David, hanggang sa pintuang-bayan ng tubig sa dakong silanganan.

38 At ang isang pulutong nila na nagpapasalamat ay yumaong sinalubong sila, at ako’y sa hulihan nila, na kasama ko ang kalahati ng bayan sa ibabaw ng kuta, sa itaas ng moog ng mga hurno, hanggang sa maluwang na kuta;

39 At sa ibabaw ng pintuang-bayan ng Ephraim, at sa matandang pintuang-bayan at sa pintuang-bayan ng mga isda, at sa moog ng Hananel, at sa moog ng Meah, hanggang sa pintuang-bayan ng mga tupa: at sila’y nagsitayong nangakatigil sa pintuang-bayan ng bantay.

40 Sa gayo’y nagsitayo ang dalawang pulutong nila na nangagpasalamat sa bahay ng Dios, at ako, at ang kalahati sa mga pinuno na kasama ko.

41 At ang mga saserdote, si Eliacim, si Maaseias, si Miniamin, si Michaias, si Elioenai, si Zacarias, at si Hananias, na may mga pakakak;

42 At si Maaseias, at si Semeias, at si Eleazar, at si Uzzi, at si Johanan, at si Malchias, at si Elam, at si Ezer. At ang mga mangaawit ay nagsiawit ng malakas, na kasama si Jezrahias, na tagapamahala sa kanila.

43 At sila’y nangaghandog ng malalaking hain ng araw na yaon, at nangagalak; sapagka’t sila’y pinapagkatuwa ng Dios ng di kawasa; at ang mga babae naman at ang mga bata ay nangagalak: na anopa’t ang kagalakan ng Jerusalem ay narinig hanggang sa malayo.

44 At nang araw na yaon ay nahalal ang ilan sa mga lalake sa mga silid na ukol sa mga kayamanan, sa mga handog na itataas, sa mga unang bunga, at sa mga ikasangpung bahagi, upang pisanin sa mga yaon, ayon sa mga bukid ng mga bayan, na mga bahaging takda ng kautusan sa mga saserdote at mga Levita: sapagka’t kinagagalakan ng Juda ang mga saserdote at mga Levita na nagsitayo.

45 At sila’y nangagingat ng tungkulin sa kanilang Dios, at ng tungkulin sa paglilinis, at gayong ginawa ng mga mangaawit at mga tagatanod-pinto, ayon sa utos ni David, at ni Salomon sa kaniyang anak.

46 Sapagka’t sa mga kaarawan ni David at ni Asaph ng una ay may pinuno sa mga mangaawit, at mga awit na pagpuri at pasasalamat sa Dios.

47 At ang buong Israel sa mga kaarawan ni Zorobabel, at sa mga kaarawan ni Nehemias, ay nangagbigay ng mga bahagi ng mga mangaawit, at mga tagatanod-pinto, ayon sa kailangan sa bawa’t araw: at kanilang itinalaga sa mga Levita; at itinalaga ng mga Levita sa mga anak ni Aaron.

Nehemias 13

1 Nang araw na yaon ay bumasa sila sa aklat ni Moises sa pakinig ng bayan; at doo’y nasumpungang nakasulat, na ang Ammonita at Moabita, ay huwag papasok sa kapulungan ng Dios magpakailan man.

2 Sapagka’t hindi nila sinalubong ang mga anak ni Israel ng tinapay at ng tubig, kundi inupahan si Balaam laban sa kanila, upang sumpain sila: gayon ma’y pinapaging pagpapala ng aming Dios ang sumpa.

3 At nangyari, nang kanilang marinig ang kautusan, na inihiwalay nila sa Israel ang buong karamihang halohalo.

4 Bago nga nangyari ito, si Eliasib na saserdote, na nahalal sa mga silid ng bahay ng aming Dios, palibhasa’y nakipisan kay Tobias.

5 Ay ipinaghanda siya ng isang malaking silid, na kinasisidlan noong una ng mga handog na harina, ng mga kamangyan, at ng mga sisidlan, at ng mga ikasangpung bahagi ng trigo, ng alak, at ng langis, na nabigay sa pamamagitan ng utos sa mga Levita, at sa mga mangaawit, at sa mga tagatanod-pinto; at ang mga handog na itataas na ukol sa mga saserdote.

6 Nguni’t sa buong panahong ito ay wala ako sa Jerusalem: sapagka’t sa ikatatlong pu’t dalawang taon ni Artajerjes na hari sa Babilonia ay naparoon ako sa hari, at pagkatapos ng ilang araw ay nagpaalam ako sa hari:

7 At ako’y naparoon sa Jerusalem, at naalaman ko ang kasamaang ginawa ni Eliasib tungkol kay Tobias, sa paghahanda niya sa kaniya ng isang silid sa mga looban ng bahay ng Dios.

8 At ikinamanglaw kong mainam: kaya’t aking inihagis ang lahat na kasangkapan ni Tobias sa labas ng silid.

9 Nang magkagayo’y nagutos ako, at nilinis nila ang mga silid; at dinala ko uli roon ang mga sisidlan ng bahay ng Dios pati ng mga handog na harina at ng kamangyan.

10 At nahalata ko na ang mga bahagi ng mga Levita ay hindi nangabigay sa kanila; na anopa’t ang mga Levita, at ang mga mangaawit na nagsisigawa ng gawain, ay nangagsitakas bawa’t isa sa kanikaniyang bukid.

11 Nang magkagayo’y nakipagtalo ako sa mga pinuno, at sinabi ko, Bakit pinabayaan ang bahay ng Dios? At pinisan ko sila, at inilagay sa kanilang kalagayan.

12 Nang magkagayo’y dinala ng buong Juda ang ikasangpung bahagi ng trigo at ng alak at ng langis sa mga ingatang-yaman.

13 At ginawa kong mga tagaingat-yaman sa mga ingatang-yaman, si Selemias na saserdote, at si Sadoc na kalihim, at sa mga Levita, si Pedaias: at kasunod nila ay si Hanan na anak ni Zaccur, na anak ni Mathanias: sapagka’t sila’y nangabilang na tapat, at ang kanilang mga katungkulan ay magbahagi sa kanilang mga kapatid.

14 Alalahanin mo ako, Oh aking Dios, tungkol dito, at huwag mong pawiin ang aking mga mabuting gawa na aking ginawa sa ikabubuti ng bahay ng aking Dios, at sa pagganap ng kaugaliang paglilingkod doon.

15 Nang mga araw na yaon ay nakita ko sa Juda ang ilang nagpipisa sa mga ubasan sa sabbath, at nagdadala ng mga uhay, at nangasasakay sa mga asno; gaya naman ng alak, mga ubas, at mga higos, at lahat na sarisaring pasan, na kanilang ipinapasok sa Jerusalem sa araw ng sabbath: at ako’y nagpatotoo laban sa kanila sa kaarawan na kanilang ipinagbibili ang mga pagkain.

16 Doo’y nagsisitahan naman ang mga taga Tiro, na nangagpapasok ng isda, at ng sarisaring kalakal, at nangagbibili sa sabbath sa mga anak ni Juda, at sa Jerusalem.

17 Nang magkagayo’y nakipagtalo ako sa mga mahal na tao sa Juda, at sinabi ko sa kanila, Anong masamang bagay itong inyong ginagawa, at inyong nilalapastangan ang araw ng sabbath?

18 Hindi ba nagsigawa ng ganito ang inyong mga magulang, at hindi ba dinala ng ating Dios ang buong kasamaang ito sa atin, at sa bayang ito? gayon ma’y nangagdala pa kayo ng higit na pag-iinit sa Israel, sa paglapastangan ng sabbath.

19 At nangyari, na nang ang pintuang-bayan ng Jerusalem ay magpasimulang magdilim bago dumating ang sabbath, aking iniutos na ang mga pintuan ay sarhan, at iniutos ko na huwag nilang buksan hanggang sa makaraan ang sabbath: at ang ilan sa aking mga lingkod ay inilagay ko sa mga pintuang-bayan, upang walang maipasok na pasan sa araw ng sabbath.

20 Sa gayo’y ang mga mangangalakal at manininda ng sarisaring kalakal, ay nangatigil sa labas ng Jerusalem na minsan o makalawa.

21 Nang magkagayo’y nagpatotoo ako laban sa kanila, at nagsabi sa kanila, Bakit nagsisitigil kayo sa may kuta? kung kayo’y magsigawa uli ng ganiyan, aking pagbubuhatan ng kamay kayo. Mula nang panahong yaon ay hindi na sila naparoon pa ng sabbath.

22 At ako’y nagutos sa mga Levita na sila’y mangagpakalinis, at sila’y magsiparoon, at ingatan ang mga pintuang-bayan, upang ipangilin ang araw ng sabbath. Alalahanin mo ako, Oh aking Dios, dito man, at kahabagan mo ako ayon sa kalakhan ng iyong kaawaan.

23 Nang mga araw namang yaon ay nakita ko ang mga Judio na nangagaasawa sa mga babae ng Asdod, ng Ammon, at ng Moab:

24 At ang kanilang mga anak ay nagsasalita ng kalahati sa wikang Asdod, at hindi makapagsalita ng wikang Judio, kundi ayon sa wika ng bawa’t bayan.

25 At ako’y nakipagtalo sa kanila, at sinumpa ko sila, at sinaktan ko ang iba sa kanila, at sinabunutan ko sila, at pinasumpa ko sila sa pamamagitan ng Dios, na sinasabi ko, Kayo’y huwag mangagbibigay ng inyong mga anak na babae na maging asawa sa kanilang mga anak na lalake, ni magsisikuha man ng kanilang mga anak na babae sa ganang inyong mga anak na lalake, o sa inyong sarili.

26 Hindi ba nagkasala si Salomon na hari sa Israel sa pamamagitan ng mga bagay na ito? gayon man sa gitna ng maraming bansa ay walang haring gaya niya; at siya’y minahal ng kaniyang Dios, at ginawa siyang hari ng Dios sa buong Israel: gayon ma’y pinapagkasala rin siya ng mga babaing taga ibang lupa.

27 Didinggin nga ba namin kayo na inyong gawin ang lahat na malaking kasamaang ito, na sumalangsang laban sa ating Dios sa pagaasawa sa mga babaing taga ibang lupa?

28 At isa sa mga anak ni Joiada, na anak ni Eliasib na dakilang saserdote, ay manugang ni Sanballat na Horonita: kaya’t aking pinalayas siya sa akin.

29 Alalahanin mo sila, Oh Dios ko, sapagka’t kanilang dinumhan ang pagkasaserdote, at ang tipan ng pagkasaserdote at ng sa mga Levita.

30 Ganito ko nilinis sila sa lahat ng taga ibang lupa, at tinakdaan ko ng mga katungkulan ang mga saserdote at ang mga Levita, na bawa’t isa’y sa kaniyang gawain;

31 At tungkol sa kaloob na panggatong, sa mga takdang panahon, at tungkol sa mga unang bunga. Alalahanin mo ako, Oh Dios ko, sa ikabubuti.

Ezra 1

1 Nang unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia, upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang diwa ni Ciro na hari sa Persia, na siya’y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian, at isinulat din naman, na sinasabi,

2 Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia, Ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit, ang lahat na kaharian sa lupa; at ibinilin niya sa akin na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda.

3 Sinoman sa inyo sa kaniyang buong bayan, sumakaniya nawa ang kaniyang Dios, at umahon siya sa Jerusalem, na nasa Juda, at itayo ang bahay ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (siya’y Dios,) na nasa Jerusalem.

4 At sinomang naiwan sa alinmang dako na kaniyang pinakikipamayanan, tulungan siya ng mga lalake sa kaniyang kinaroroonan ng pilak, at ng ginto, at ng mga pag-aari, at ng mga hayop, bukod sa kusang handog sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem.

5 Nang magkagayo’y nagsibangon ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Juda at Benjamin, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, sa makatuwid baga’y lahat na ang diwa’y kinilos ng Dios na magsiahong itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem.

6 At lahat na nangasa palibot nila ay nangagpatibay sa kanilang mga kamay ng mga sisidlang pilak, ng ginto, ng mga pag-aari, at ng mga hayop, at ng mga mahalagang bagay, bukod pa sa lahat na kusang inihandog.

7 Inilabas din naman ni Ciro na hari ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon na inilabas ni Nabucodonosor sa Jerusalem, at inilagay sa bahay ng kaniyang mga dios;

8 Sa makatuwid baga’y yaong mga inilabas ni Ciro na hari sa Persia sa pamamagitan ng kamay ni Mitridates na tagaingat-yaman, at mga binilang kay Sesbassar, na prinsipe sa Juda.

9 At ito ang bilang ng mga yaon: tatlong pung pinggang ginto, at isang libong pinggang pilak, dalawang pu’t siyam na sundang;

10 Tatlong pung mangkok na ginto, mga mangkok na pilak na ikalawang ayos ay apat na raan at sangpu, at ang ibang mga sisidlan ay isang libo.

11 Lahat na sisidlang ginto at pilak ay limang libo at apat na raan. Ang lahat ng mga ito ay ipinaahon ni Sesbassar, nang silang sa pagkabihag ay ipagahong mula sa Babilonia hanggang sa Jerusalem.

Ezra 2

1 Ang mga ito nga’y ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag sa mga nayon na nangadala, na dinala sa Babilonia ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nangagbalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa’t isa’y sa kaniyang bayan;

2 Na nagsidating na kasama ni Zorobabel, si Jesua, si Nehemias, si Seraias, si Reelias, si Mardocheo, si Bilsan, si Mispar, si Bigvai, si Rehum, si Baana. Ang bilang ng mga lalake ng bayan ng Israel ay ito:

3 Ang mga anak ni Paros, dalawang libo’t isang daan at pitong pu’t dalawa.

4 Ang mga anak ni Sephatias, tatlong daan at pitong pu’t dalawa.

5 Ang mga anak ni Ara, pitong daan at pitong pu’t lima.

6 Ang mga anak ni Pahath-moab, sa mga anak ni Josue at ni Joab, dalawang libo’t walong daan at labing dalawa.

7 Ang mga anak ni Elam, isang libo’t dalawang daan at limang pu’t apat.

8 Ang mga anak ni Zattu, siyam na raan at apat na pu’t lima.

9 Ang mga anak ni Zachai, pitong daan at anim na pu.

10 Ang mga anak ni Bani, anim na raan at apat na pu’t dalawa.

11 Ang mga anak ni Bebai, anim na raan at dalawang pu’t tatlo.

12 Ang mga anak ni Azgad, isang libo at dalawang daan at dalawang pu’t dalawa.

13 Ang mga anak ni Adonicam, anim na raan at anim na pu’t anim.

14 Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo at limang pu’t anim.

15 Ang mga anak ni Adin, apat na raan at limang pu’t apat.

16 Ang mga anak ni Ater, ni Ezechias, siyam na pu’t walo.

17 Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawang pu’t tatlo.

18 Ang mga anak ni Jora, isang daan at labing dalawa.

19 Ang mga anak ni Hasum ay dalawang daan at dalawang pu’t tatlo.

20 Ang mga anak ni Gibbar siyam na pu’t lima.

21 Ang mga anak ni Bethlehem, isang daan at dalawang pu’t tatlo.

22 Ang mga lalake ng Nethopha, limang pu’t anim.

23 Ang mga lalake ng Anathoth, isang daan at dalawang pu’t walo.

24 Ang mga anak ni Azmaveth, apat na pu’t dalawa.

25 Ang mga anak ni Chiriathjearim, ni Cephira, at ni Beeroth, pitong daan at apat na pu’t tatlo.

26 Ang mga anak ni Rama at ni Gaaba, anim na raan at dalawang pu’t isa.

27 Ang mga lalake ng Michmas, isang daan at dalawang pu’t dalawa.

28 Ang mga lalake ng Beth-el at ng Hai, dalawang daan at dalawang pu’t tatlo.

29 Ang mga anak ni Nebo, limang pu’t dalawa.

30 Ang mga anak ni Magbis, isang daan at limang pu’t anim.

31 Ang mga anak ng ibang Elam, isang libo’t dalawang daan at limang pu’t apat.

32 Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawang pu.

33 Ang mga anak ni Lod, ni Hadid, at ni Ono, pitong daan at dalawang pu’t lima.

34 Ang mga anak ni Jerico, tatlong daan at apat na pu’t lima.

35 Ang mga anak ni Senaa, tatlong libo’t anim na raan at tatlong pu.

36 Ang mga saserdote: ang mga anak ni Jedaia, sa sangbahayan ng Jesua, siyam na raan at pitong pu’t tatlo.

37 Ang mga anak ni Immer, isang libo at limang pu’t dalawa.

38 Ang mga anak ni Pashur, isang libo’t dalawang daan at apat na pu’t pito.

39 Ang mga anak ni Harim, isang libo at labing pito.

40 Ang mga Levita: ang mga anak ni Jesua at ni Cadmiel, sa mga anak ni Hodavias, pitong pu’t apat.

41 Ang mga mangaawit: ang mga anak ni Asaph, isang daan at dalawang pu’t walo.

42 Ang mga anak ng mga tagatanod-pinto: ang mga anak ni Sallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Accub, ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai, ang lahat ay isang daan at tatlong pu’t siyam.

43 Ang mga Nethineo: ang mga anak ni Siha, ang mga anak ni Hasupha, ang mga anak ni Thabaoth.

44 Ang mga anak ni Cheros, ang mga anak ni Siaa, ang mga anak ni Phadon;

45 Ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Accub;

46 Ang mga anak ni Hagab, ang mga anak ni Samlai, ang mga anak ni Hanan;

47 Ang mga anak ni Gidiel, ang mga anak ni Gaher, ang mga anak ni Reaia;

48 Ang mga anak ni Resin, ang mga anak ni Necoda, ang mga anak ni Gazam;

49 Ang mga anak ni Uzza, ang mga anak ni Phasea, ang mga anak ni Besai;

50 Ang mga anak ni Asena, ang mga anak ni Meunim, ang mga anak ni Nephusim;

51 Ang mga anak ni Bacbuc, ang mga anak ni Hacusa, ang mga anak ni Harhur;

52 Ang mga anak ni Bazluth, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa;

53 Ang mga anak ni Bercos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Tema;

54 Ang mga anak ni Nesia, ang mga anak ni Hatipha.

55 Ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon ay: ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Sophereth, ang mga anak ni Peruda;

56 Ang mga anak ni Jaala, ang mga anak ni Darcon, ang mga anak ni Giddel;

57 Ang mga anak ni Sephatias, ang mga anak ni Hatil, ang mga anak ni Pochereth-hassebaim, ang mga anak ni Ami.

58 Lahat ng mga Nethineo, at ng mga anak ng mga lingkod ni Salomon, tatlong daan at siyam na pu’t dalawa.

59 At ang mga ito ang nagsiahon mula sa Tel-mela, Tel-harsa, Cherub, Addan, at Immer: nguni’t hindi nila naipakilala ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ang kanilang binhi kung sila’y taga Israel:

60 Ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Nicoda, anim na raan at limang pu’t dalawa.

61 At sa mga anak ng mga saserdote: ang mga anak ni Abaia, ang mga anak ni Cos, ang mga anak ni Barzillai, na nagasawa sa mga anak ni Barzillai na Galaadita, at tinawag ayon sa kanilang pangalan.

62 Ang mga ito ay nagsihanap ng talaan ng kanilang pangalan sa nangabilang ayon sa talaan ng lahi, nguni’t hindi nangasumpungan: kaya’t sila’y nangabilang na hawa, at nangaalis sa pagkasaserdote.

63 At sinabi ng tagapamahala sa kanila, na sila’y huwag magsisikain ng mga pinakabanal na bagay, hanggang sa tumayo ang isang saserdote na may Urim at Thummim.

64 Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu’t dalawang libo at tatlong daan at anim na pu,

65 Bukod sa kanilang mga aliping lalake at babae, na may pitong libo’t tatlong daan at tatlong pu’t pito: at sila’y nangagkaroon ng dalawang daan na mangaawit na lalake at babae.

66 Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu’t anim; ang kanilang mga mula ay dalawang daan at apat na pu’t lima;

67 Ang kanilang mga kamelyo, apat na raan at tatlong pu’t lima; ang kanilang mga asno, anim na libo’t pitong daan at dalawang pu.

68 At ang ilan sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, nang sila’y magsidating sa bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem, ay nangaghandog na kusa sa bahay ng Dios, upang husayin sa kinatatayuan:

69 Sila’y nangagbigay ayon sa kanilang kaya sa ingatang-yaman ng gawain, na anim na pu’t isang libong darikong ginto, at limang libong librang pilak, at isang daan na bihisan ng mga saserdote.

70 Gayon ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang iba sa bayan, at ang mga mangaawit, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga Nethineo, nagsitahan sa kanilang mga bayan, at ang buong Israel ay sa kanilang mga bayan.

Ezra 3

1 At nang dumating ang ikapitong buwan, at ang mga anak ni Israel ay nangasa mga bayan, ang bayan ay nagpipisan na parang isang tao sa Jerusalem.

2 Nang magkagayo’y tumayo si Jesua na anak ni Josadec, at ang kaniyang mga kapatid na mga saserdote, at si Zorobabel na anak ni Sealthiel, at ang kaniyang mga kapatid, at itinayo ang dambana ng Dios ng Israel, upang paghandugan ng mga handog na susunugin, gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises, na lalake ng Dios.

3 At ipinatong nila ang dambana sa tungtungan niya; sapagka’t ang takot ay sumakanila dahil sa mga bayan ng mga lupain: at kanilang pinaghandugan ng mga handog na susunugin sa Panginoon, sa makatuwid baga’y ng mga handog na susunugin sa umaga’t hapon.

4 At kanilang ipinagdiwang ang kapistahan ng mga balag, gaya ng nasusulat, at naghandog ng mga handog na susunugin sa araw-araw ayon sa bilang, ayon sa ayos, gaya ng katungkulang kinakailangan sa bawa’t araw;

5 At pagkatapos ng palaging handog na susunugin, at ng mga handog sa mga bagong buwan, at ng lahat na takdang kapistahan sa Panginoon na mga itinalaga, at ng lahat na naghandog na kusa ng kusang handog sa Panginoon.

6 Mula sa unang araw ng ikapitong buwan, nangagpasimula sila na nangaghandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon: nguni’t ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon ay hindi pa nalalagay.

7 Sila’y nangagbigay rin naman ng salapi sa mga kantero, at sa mga anluwagi; at pagkain, at inumin, at langis, sa kanila na mga taga Sidon, at sa kanila na mga taga Tiro, upang mangagdala ng mga kahoy na sedro na mula sa Libano na paraanin sa dagat, hanggang sa Joppa ayon sa pahintulot na nangagkaroon sila kay Ciro na hari sa Persia.

8 Nang ikalawang taon nga ng kanilang pagparoon sa bahay ng Dios sa Jerusalem, sa ikalawang buwan, nangagpasimula si Zorobabel na anak ni Sealthiel, at si Jesua na anak ni Josadec, at ang nalabi sa kanilang mga kapatid na mga saserdote at mga Levita, at silang lahat na nagsipanggaling sa Jerusalem na mula sa pagkabihag; at inihalal ang mga Levita, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda upang magsipamahala sa gawain sa bahay ng Panginoon.

9 Nakatayo nga si Jesua na kasama ng kaniyang mga anak, at ng kaniyang mga kapatid, si Cadmiel at ang kaniyang mga anak, ang mga anak ni Juda, na magkakasama, upang magsipamahala sa mga manggagawa sa bahay ng Dios: ang mga anak ni Henadad, na kasama ng kanilang mga anak at ng kanilang mga kapatid na mga Levita.

10 At nang ilagay ng mga manggagawa ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon, kanilang inilagay ang mga saserdote na bihis, na may mga pakakak, at ang mga Levita na mga anak ni Asaph na may mga simbalo, upang magsipuri sa Panginoon, ayon sa alituntunin ni David na hari sa Israel.

11 At sila’y nagawitang isa’t isa sa pagpuri at pagpapasalamat sa Panginoon, na nangagsasabi: Sapagka’t siya’y mabuti, sapagka’t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man sa Israel. At ang buong bayan ay humiyaw ng malakas, nang sila’y magsipuri sa Panginoon, sapagka’t ang tatagang-baon ng bahay ng Panginoon ay nalagay.

12 Nguni’t marami sa mga saserdote, at mga Levita, at mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, mga matanda na nangakakita ng unang bahay, ng ang tatagang-baon ng bahay na ito ay malagay sa harap ng kanilang mga mata, ay nagsiiyak ng malakas; at marami ay nagsihiyaw ng malakas dahil sa kagalakan:

13 Na anopa’t hindi makilala ng bayan ang kaibhan ng ingay ng hiyaw ng kagalakan sa ingay ng iyak ng bayan; sapagka’t ang bayan ay humiyaw ng malakas na hiyaw, at ang ingay ay narinig sa malayo.

Ezra 4

1 Nang mabalitaan nga ng mga kaaway ng Juda at Benjamin na ang mga anak sa pagkabihag ay nangagtatayo ng templo na ukol sa Panginoon, sa Dios ng Israel;

2 Nagsilapit nga sila kay Zorobabel, at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, at nangagsabi sa kanila, Papagtayuin ninyo kami na kasama ninyo: sapagka’t aming hinahanap ang inyong Dios, na gaya ng inyong ginagawa; at kami ay nangaghahain sa kaniya mula ng mga kaarawan ni Esar-haddon na hari sa Asiria, na nagahon sa amin dito.

3 Nguni’t si Zorobabel, at si Jesua, at ang nalabi sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, ay nangagsabi sa kanila, Kayo’y walang ipakikialam sa amin sa pagtatayo ng isang bahay na ukol sa aming Dios; kundi kami rin na magkakasama ay aming ipagtatayo ang Panginoon, ang Dios ng Israel, gaya ng iniutos sa amin ni Ciro na hari sa Persia,

4 Nang magkagayo’y pinahina ng bayan ng lupain ang mga kamay ng bayan ng Juda, at binagabag sila sa pagtatayo.

5 At umupa ng mga tagapayo laban sa kanila, upang iurong ang kanilang akala, sa lahat ng kaarawan ni Ciro na hari sa Persia, hanggang sa paghahari ni Dario na hari sa Persia.

6 At sa paghahari ni Assuero, sa pasimula ng kaniyang paghahari, nagsisulat sila ng isang sakdal laban sa mga taga Juda at Jerusalem.

7 At sa mga kaarawan ni Artajerjes, nagsisulat si Bislam, si Mitridates, si Tabeel at ang nalabi sa kaniyang mga kasama kay Artajerjes na hari sa Persia; at ang pagkasulat ng sulat ay nasusulat ng sulat Siria, at ang laman niyaon ay wikang Siria.

8 Si Rehum na kasangguni at si Simsai na kalihim, sumulat ng isang sulat laban sa Jerusalem kay Artajerjes na hari ng ganitong paraan:

9 Nang magkagayo’y nagsisulat si Rehum na tagapayo at si Simsai na kalihim, at ang nalabi sa kanilang mga kasama; ang mga Dinaita, at ang mga Apharsacita, ang mga Tharphelita, ang mga Apharsita, ang mga Archevita, ang mga Babilonio, ang mga Susanchita, ang mga Dehaita, ang mga Elamita.

10 At ang nalabi sa mga bansa na itinawid ng dakila at marangal na si Asnappar, at inilagay sa bayan ng Samaria, at sa nalabi sa lupain, na nasa dako roon ng Ilog, at sa iba pa.

11 Ito ang salin ng sulat na kanilang ipinadala kay Artajerjes na hari: Ang iyong mga lingkod na mga lalake sa dako roon ng Ilog, at iba pa.

12 Talastasin ng hari, na ang mga Judio na nagsiahong galing sa iyo ay nagsiparoon sa amin sa Jerusalem; kanilang itinatayo ang mapanghimagsik at masamang bayan, at nayari ang mga kuta, at isinauli ang mga tatagang-baon.

13 Talastasin ngayon ng hari, na, kung ang bayang ito ay matayo, at ang mga kuta ay mayari, sila’y hindi mangagbabayad ng buwis, kabayaran, o upa, at sa wakas ay ikapapahamak ng mga hari.

14 Sapagka’t aming kinakain nga ang asin ng bahay-hari, at hindi marapat sa amin na aming makita ang ikasisirang puri ng hari, kaya’t kami ay nangagsugo at nangagpatotoo sa hari;

15 Upang ang pagsaliksik ay maisagawa sa aklat ng mga alaala ng iyong mga magulang: sa gayo’y iyong masusumpungan sa aklat ng mga alaala, at malalaman na ang bayang ito ay mapanghimagsik na bayan, at mapangpahamak sa mga hari at mga lalawigan, at sila’y nagsipanghimagsik doon nang unang panahon: na siyang ikinagiba ng bayang ito.

16 Aming pinatototohanan sa hari, na, kung ang bayang ito ay matayo, at ang mga kuta ay mayari, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa dako roon ng Ilog sa kadahilanang ito.

17 Nang magkagayo’y nagpadala ang hari ng kasagutan kay Rehum na kasangguni, at kay Simsai na kalihim, at sa mga nalabi sa kanilang mga kasama na nagsisitahan sa Samaria, at sa nalabi sa lupain sa dako roon ng Ilog: Kapayapaan, at iba pa.

18 Ang sulat na inyong ipinadala sa amin, ay nabasa na maliwanag sa harap ko.

19 At ako’y nagpasiya, at ang pagsaliksik ay naisagawa at nasumpungan na ang bayang ito nang una ay gumawa ng panghihimagsik laban sa mga hari, at ang panghihimagsik at pagbabanta ay nagawa roon.

20 Nagkaroon naman doon ng mga may kayang hari sa Jerusalem, na nagpuno sa buong lupain sa dako roon ng Ilog; at buwis, kabayaran, at upa, ay nabayad sa kanila.

21 Magpasiya kayo ngayon na inyong patigilin ang mga taong ito, at upang ang bayang ito ay huwag matayo, hanggang sa ang pasiya ay magawa ko.

22 At kayo’y mangagingat na huwag kayong magpabaya dito: bakit ang pagkapahamak ay mangyayari sa ikapapahamak ng mga hari?

23 Nang mabasa nga ang salin ng sulat ng haring Artajerjes sa harap ni Rehum, at ni Simsai na kalihim, at ng kanilang mga kasama, sila’y nangagmadaling nagsiparoon sa Jerusalem sa mga Judio, at pinatigil nila sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan.

24 Nang magkagayo’y natigil ang gawa sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at natigil hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario, na hari sa Persia.