Amos 1

1 Ang mga salita ni Amos, na nasa gitna ng mga pastor sa Tecoa, na nakita niya tungkol sa Israel, nang mga kaarawan ni Uzzia na hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni Jeroboam na anak ni Joas na hari sa Israel, na dalawang taon bago lumindol. 2 At kaniyang sinabi, Ang Panginoon ay […]

Amos 2

1 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Moab, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka’t kaniyang sinunog ang mga buto ng hari sa Edom na pinapaging apog. 2 Nguni’t ako’y magsusugo ng isang apoy sa Moab, at susupukin niyaon ang mga palacio ng Cherioth; at ang […]

Amos 3

1 Dinggin ninyo ang salitang ito na sinalita ng Panginoon laban sa inyo, Oh mga anak ni Israel, laban sa buong angkan na aking iniahon mula sa lupain ng Egipto, na sinasabi, 2 Kayo lamang ang aking nakilala sa lahat ng angkan sa lupa: kaya’t aking dadalawin sa inyo ang lahat ninyong kasamaan. 3 Makalalakad […]

Amos 4

1 Dinggin ninyo ang salitang ito, Oh mga baka ng Basan, na nangasa bundok ng Samaria, na nagsisipighati sa mga dukha, na nagsisigipit sa mga mapagkailangan, na nangagsasabi sa kanilang mga panginoon, Dalhin ninyo rito, at ating inumin. 2 Ang Panginoong Dios ay sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang kabanalan, na, narito, ang mga kaarawan ay […]

Amos 5

1 Dinggin ninyo ang salitang ito na aking itinataghoy sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel. 2 Ang dalaga ng Israel ay nabuwal; siya’y hindi na magbabangon pa, siya’y nahagis sa kaniyang lupain; walang magbangon sa kaniya. 3 Sapagka’t ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ang bayan na lalabas na isang libo, maiiwang isang daan, at […]

Amos 6

1 Sa aba nila na nangagwawalang bahala sa Sion, at nila na mga tiwasay sa bundok ng Samaria, na magigiting na lalake sa mga pangulong bansa, ng mga pinagsasadya ng sangbahayan ni Israel! 2 Magsidaan kayo sa Calne, at inyong tingnan; at mula roon ay magsiparoon kayo sa Hamath na malaki; kung magkagayo’y magsibaba kayo […]

Amos 7

1 Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios: at, narito, siya’y lumikha ng mga balang sa pasimula ng huling pagsibol ng suwi; at, narito, na siyang huling suwi pagkatapos ng mga gapas para sa hari. 2 At nangyari, na nang kanilang matapos makain ang pananim sa lupain, akin ngang sinabi, Oh Panginoong Dios, isinasamo ko […]

Amos 8

1 Ganito nagpakita ang Panginoong Dios sa akin: at, narito, ang isang bakol ng bunga ng taginit. 2 At kaniyang sinabi, Amos, anong iyong nakikita? At aking sinabi, Isang bakol ng bunga ng taginit. Nang magkagayo’y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang wakas ay dumating sa aking bayang Israel; hindi na ako daraan pa uli […]

Amos 9

1 Aking nakita ang Panginoon na nakatayo sa tabi ng dambana: at kaniyang sinabi, Hampasin mo ang mga kapitel, upang ang mga tungtungan ay mauga; at mangagkaputolputol sa ulo nilang lahat; at aking papatayin ng tabak ang huli sa kanila: walang makatatakas sinoman sa kanila, at walang makatatanang sinoman sa kanila. 2 Bagaman sila’y humukay […]