Mga Awit 1

1 Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak. 2 Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi. 3 At siya’y magiging parang punong kahoy na itinanim […]

Mga Awit 2

1 Bakit ang mga bansa ay nangagugulo, at ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay? 2 Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at ang mga pinuno ay nagsasanggunian, Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi: 3 Lagutin natin ang kanilang tali, at ating iwaksi ang kanilang mga […]

Mga Awit 3

1 Panginoon, ano’t ang aking mga kaaway ay nagsisidami! Marami sila na nagsisibangon laban sa akin. 2 Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah) 3 Nguni’t ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. 4 Ako’y dumadaing ng aking tinig […]

Mga Awit 4

1 Sagutin mo ako, pagka tumatawag ako, Oh Dios ng aking katuwiran; inilagay mo ako sa kaluwagan, nang ako’y nasa kagipitan: maawa ka sa akin, at dinggin mo ang aking dalangin. 2 Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian? Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap […]

Mga Awit 5

1 Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon, pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay. 2 Dinggin mo ang tinig ng aking daing, Hari ko, at Dios ko; sapagka’t sa iyo’y dumadalangin ako. 3 Oh Panginoon, sa kinaumagaha’y didinggin mo ang aking tinig; sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako. […]

Mga Awit 6

1 Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong galit, ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob. 2 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka’t ako’y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka’t ang aking mga buto ay nagsisipangalog. 3 Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam: at ikaw, […]

Mga Awit 7

1 Oh Panginoon kong Dios, sa iyo nanganganlong ako. Iligtas mo ako sa lahat na nagsisihabol sa akin, at palayain mo ako: 2 Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa, na lurayin ito, habang walang magligtas. 3 Oh Panginoon kong Dios, kung ginawa ko ito; kung may kasamaan sa aking mga kamay; […]

Mga Awit 8

1 Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit. 2 Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti. 3 Pagka binubulay ko ang […]

Mga Awit 9

1 Ako’y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso; aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa. 2 Ako’y magpapakasaya at magpapakagalak sa iyo: ako’y aawit ng pagpuri sa iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan. 3 Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik, sila’y matitisod at malilipol sa iyong harapan. 4 Sapagka’t iyong […]

Mga Awit 10

1 Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon? Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan? 2 Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam; mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala. 3 Sapagka’t ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso, at ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa […]