Ezekiel 1

1 Nangyari nga nang ikatatlong pung taon, sa ikaapat na buwan, nang ikalimang araw ng buwan, samantalang ako’y kasama ng mga bihag sa pangpang ng ilog Chebar, na ang langit ay nabuksan, at ako’y nakakita ng mga pangitain mula sa Dios. 2 Nang ikalimang araw ng buwan, na siyang ikalimang taon ng pagkabihag ng haring […]

Ezekiel 2

1 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, tumayo ka ng iyong mga paa, at ako’y makikipagsalitaan sa iyo. 2 At ang Espiritu ay sumaakin nang siya’y magsalita sa akin, at itinayo ako sa aking mga paa; at aking narinig siya na nagsasalita sa akin. 3 At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, […]

Ezekiel 3

1 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, kanin mo ang iyong nasusumpungan; kanin mo ang balumbong ito, at ikaw ay yumaon, magsalita ka sa sangbahayan ni Israel. 2 Sa gayo’y ibinuka ko ang aking bibig, at ipinakain niya sa akin ang balumbon. 3 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, pakanin mo […]

Ezekiel 4

1 Ikaw naman, anak ng tao, kumuha ka ng isang losa, at ilagay mo sa harap mo, at gumuhit ka sa ibabaw ng isang bayan, sa makatuwid baga’y ng Jerusalem. 2 At kubkubin mo, at magtayo ka ng mga katibayan sa tapat noon, at maglagay ka ng bunton sa tapat noon; maglagay ka rin ng […]

Ezekiel 5

1 At ikaw, anak ng tao, magdala ka ng matalas na tabak; na parang pangahit ng manggugupit ang iyong dadalhin, at iyong pararaanin sa iyong ulo at sa iyong balbas: kung magkagayo’y kumuha ka ng timbangang panimbang, at bahagihin mo ang buhok. 2 Ang ikatlong bahagi ay iyong susunugin sa apoy sa gitna ng bayan, […]

Ezekiel 6

1 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 2 Anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha sa mga bundok ng Israel, at ikaw ay manghula tungkol sa mga yaon. 3 At magsabi, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ang salita ng Panginoong Dios. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa […]

Ezekiel 7

1 Bukod dito’y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 2 At ikaw, anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa lupain ng Israel, May wakas: ang wakas ay dumating sa apat na sulok ng lupain. 3 Ngayon ang wakas ay sumasaiyo at aking pararatingin ang aking galit sa iyo, […]

Ezekiel 8

1 At nangyari nang ikaanim na taon, nang ikaanim na buwan, nang ikalima ng buwan, ako’y nakaupo sa aking bahay, at ang mga matanda sa Juda ay nangakaupo sa harap ko, na ang kamay ng Panginoong Dios ay dumating sa akin doon. 2 Nang magkagayo’y tumingin ako, at, narito, may isang anyo na parang apoy; […]

Ezekiel 9

1 Nang magkagayo’y sumigaw siya sa aking pakinig ng malakas na tinig, na nagsasabi, Magsilapit yaong mga may katungkulan sa bayan, na bawa’t isa’y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay. 2 At narito, anim na lalake ay nagsipanggaling sa daan ng mataas na pintuang-daan, na nalalagay sa dako ng hilagaan, na bawa’t isa’y […]

Ezekiel 10

1 Nang magkagayo’y tumingin ako, at, narito, sa langit na nasa ulunan ng mga kerubin, may nakita na parang isang batong zafiro, na parang isang luklukan. 2 At siya’y nagsalita sa lalake na nakapanamit ng kayong lino, at kaniyang sinabi, Pumasok ka sa pagitan ng nagsisiikot na mga gulong, sa ilalim ng kerubin, at punuin […]