Nehemias 1

1 Ang mga salita ni Nehemias na anak ni Hachalias. Nangyari nga sa buwan ng Chislu, sa ikadalawang pung taon, samantalang ako’y nasa bahay-hari sa Susan. 2 Na si Hanani, na isa sa aking mga kapatid, ay dumating, siya at ilang lalake na mula sa Juda; at tinanong ko sila ng tungkol sa mga Judio […]

Nehemias 2

1 At nangyari sa buwan ng Nisan, sa ikadalawang pung taon ni Artajerjes na hari, nang ang alak ay nasa harap niya, na aking kinuha ang alak at ibinigay ko sa hari. Hindi nga ako nalungkot nang una sa kaniyang harapan. 2 At sinabi ng hari sa akin, Bakit ang iyong mukha ay malungkot, dangang […]

Nehemias 3

1 Nang magkagayo’y si Eliasib na pangulong saserdote ay tumayo na kasama ng kaniyang mga kapatid na mga saserdote, at kanilang itinayo ang pintuang-bayan ng mga tupa; kanilang itinalaga, at inilagay ang mga pinto niyaon; hanggang sa moog ng Meah ay kanilang itinalaga, hanggang sa moog ng Hananeel. 2 At sumunod sa kaniya ay nagsipagtayo […]

Nehemias 4

1 Nguni’t nangyari, na nang mabalitaan ni Sanballat na aming itinayo ang kuta, siya’y naginit, at nagalit na mainam, at tinuya ang mga Judio. 2 At siya’y nagsalita sa harap ng kaniyang mga kapatid, at ng hukbo ng Samaria, at nagsabi, Anong ginagawa nitong mahihinang Judio? magpapakatibay ba sila? mangaghahain ba sila? wawakasan ba nila […]

Nehemias 5

1 Nang magkagayo’y umalingawngaw ang malakas na daing ng bayan at ng kanilang mga asawa laban sa kanilang mga kapatid na mga Judio, 2 Sapagka’t may nagsisipagsabi, Kami, ang aming mga anak na lalake at babae ay marami: tulutan kaming magsikuha ng trigo, upang aming makain at mabuhay kami. 3 May nagsisipagsabi naman: Aming isinasangla […]

Nehemias 6

1 Nangyari nga nang maibalita kay Sanballat at kay Tobias, at kay Gesem na taga Arabia, at sa nalabi sa aming mga kaaway, na aking naitayo na ang kuta, at wala nang sirang naiiwan doon; (bagaman hanggang sa panahong yaon ay hindi ko pa nailalagay ang mga pinto sa mga pintuang-bayan;) 2 Na si Sanballat […]

Nehemias 7

1 Nangyari nga nang ang kuta ay maitayo, at aking mailagay ang mga pinto, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang mga Levita ay mangahalal. 2 Na aking ibinigay kay Hanani, na aking kapatid at kay Hananias na tagapamahala ng kuta, ang pamamahala sa Jerusalem: sapagka’t siya’y tapat na lalake at natatakot […]

Nehemias 9

1 Nang ikadalawang pu’t apat na araw nga ng buwang ito ay nagpupulong ang mga anak ni Israel na may pagaayuno, at may pananamit na magaspang, at may lupa sa ulo nila. 2 At ang binhi ni Israel ay nagsihiwalay sa lahat na taga ibang bayan, at nagsitayo at nangagpahayag ng kanilang mga kasalanan, at […]

Nehemias 10

1 Yaon ngang nagsipagtakda ay: si Nehemias, ang tagapamahala, na anak ni Hachalias, at si Sedecias; 2 Si Seraias, si Azarias, si Jeremias; 3 Si Pashur, si Amarias, si Malchias; 4 Si Hattus, si Sebanias, si Malluch; 5 Si Harim, si Meremoth, si Obadias; 6 Si Daniel, si Ginethon, si Baruch; 7 Si Mesullam, si […]