Mga Taga-Roma 3

1 Ano nga ang kahigitan ng Judio? o ano ang mapapakinabang sa pagtutuli? 2 Marami sa anomang paraan: ang una sa lahat, ay ipinagkatiwala sa kanila ang mga aral ng Dios. 3 Ano nga kung ang ilan ay hindi nangagsisampalataya? ang di pananampalataya nila ay nagpapawalang halaga baga sa pagtatapat ng Dios? 4 Huwag nawang […]

Mga Taga-Roma 4

1 Ano nga ang ating sasabihin, na nasumpungan ni Abraham na ating magulang ayon sa laman? 2 Sapagka’t kung si Abraham ay inaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa, ay mayroon sana siyang ipagmamapuri; datapuwa’t hindi sa Dios. 3 Sapagka’t ano ang sinasabi ng kasulatan? At sumampalataya si Abraham sa Dios, at sa kaniya’y ibinilang na […]

Mga Taga-Roma 5

1 Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo; 2 Sa pamamagitan din naman niya’y nangagkaroon tayo ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios. 3 At hindi lamang […]

Mga Taga-Roma 6

1 Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? 2 Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan? 3 O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan? 4 Tayo nga’y […]

Mga Taga-Roma 7

1 O hindi baga ninyo nalalaman mga kapatid (sapagka’t nagsasalita ako sa mga taong nakakaalam ng kautusan), na ang kautusan ay naghahari sa tao samantalang siya’y nabubuhay? 2 Sapagka’t ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa’t kung ang asawa’y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng […]

Mga Taga-Roma 8

1 Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. 2 Sapagka’t ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. 3 Sapagka’t ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling […]

Mga Taga-Roma 9

1 Sinasabi ko ang katotohanang na kay Cristo, na hindi ako nagsisinungaling, na ako’y sinasaksihan ng aking budhi sa Espiritu Santo, 2 Na mayroon akong malaking kalungkutan at walang tigil na karamdaman sa aking puso. 3 Sapagka’t ako’y makapagnanasa na ako man ay itakuwil mula kay Cristo dahil sa aking mga kapatid, na aking mga […]

Mga Taga-Roma 10

1 Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila, upang sila’y mangaligtas. 2 Sapagka’t sila’y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa’t hindi ayon sa pagkakilala. 3 Sapagka’t sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, […]