Mateo 1

1 Ang aklat ng lahi ni Jesucristo, na anak ni David, na anak ni Abraham. 2 Naging anak ni Abraham si Isaac; at naging anak ni Isaac si Jacob; at naging anak ni Jacob si Juda at ang kaniyang mga kapatid; 3 At naging anak ni Juda kay Tamar si Fares at si Zara; at […]

Mateo 2

1 Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes, narito, ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan, na nagsisipagsabi, 2 Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? sapagka’t aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya’y […]

Mateo 3

1 At nang mga araw na yaon ay dumating si Juan Bautista, na nangangaral sa ilang ng Judea, na nagsasabi, 2 Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit. 3 Sapagka’t ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, […]

Mateo 4

1 Nang magkagayo’y inihatid ng Espiritu Santo si Jesus sa ilang upang siya’y tuksuhin ng diablo. 2 At nang siya’y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung gabi, sa wakas ay nagutom siya. 3 At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na […]

Mateo 5

1 At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad: 2 At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi, 3 Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit. 4 Mapapalad ang nangahahapis: sapagka’t sila’y aaliwin. 5 Mapapalad ang […]

Mateo 6

1 Mangagingat kayo na huwag magsigawa ng katuwiran sa harap ng mga tao, upang kanilang makita: sa ibang paraan ay wala kayong ganti ng inyong Ama na nasa langit. 2 Kaya nga pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag kang tutugtog ng pakakak sa harap mo, na gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga […]

Mateo 7

1 Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. 2 Sapagka’t sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo. 3 At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng inyong kapatid, nguni’t hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sariling mata? 4 O paanong sasabihin […]

Mateo 8

1 At nang siya’y bumaba mula sa bundok, ay sinundan siya ng lubhang maraming tao. 2 At narito, lumapit sa kaniya ang isang ketongin, at siya’y sinamba, na nagsasabi, Panginoon, kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako. 3 At iniunat niya ang kaniyang kamay, at siya’y hinipo, na nagsasabi, Ibig ko; luminis ka. At […]

Mateo 9

1 At lumulan siya sa isang daong, at tumawid, at dumating sa kaniyang sariling bayan. 2 At narito, dinala nila sa kaniya ang isang lumpo, na nakahiga sa isang higaan: at nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, ay sinabi sa lumpo, Anak, laksan mo ang iyong loob; ang iyong mga kasalanan ay ipinatatawad na. […]

Mateo 10

1 At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang labingdalawang alagad, at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman. 2 Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito: Ang una’y si Simon na […]