Mga Kawikaan 1

1 Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel: 2 Upang umalam ng karunungan at turo; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa; 3 Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan; 4 Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan: […]

Mga Kawikaan 2

1 Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita, at tataglayin mo ang aking mga utos; 2 Na anopa’t iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan, at ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa; 3 Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay, at itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa; 4 Kung iyong hahanapin […]

Mga Kawikaan 3

1 Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos: 2 Sapagka’t karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ay madadagdag sa iyo. 3 Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: itali mo sa palibot ng iyong leeg; ikintal mo sa iyong puso: […]

Mga Kawikaan 4

1 Dinggin ninyo, mga anak ko, ang turo ng ama, at makinig kayo upang matuto ng kaunawaan: 2 Sapagka’t bibigyan ko kayo ng mabuting aral; huwag ninyong bayaan ang aking kautusan. 3 Sapagka’t ako’y anak sa aking ama, malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina. 4 At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin: […]

Mga Kawikaan 5

1 Anak ko, pakinggan mo ang aking karunungan; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking unawa: 2 Upang makapagingat ka ng kabaitan, at upang ang iyong mga labi ay makapagingat ng kaalaman. 3 Sapagka’t ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis: 4 Nguni’t […]

Mga Kawikaan 8

1 Hindi ba umiiyak ang karunungan, at inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig? 2 Sa taluktok ng mga mataas na dako sa tabi ng daan, sa mga salubungang landas, siya’y tumatayo; 3 Sa tabi ng mga pintuang-bayan sa pasukan ng bayan, sa pasukan sa mga pintuan siya’y humihiyaw ng malakas: 4 Sa inyo, Oh mga […]

Mga Kawikaan 9

1 Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay, kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi: 2 Pinatay niya ang kaniyang mga hayop: hinaluan niya ang kaniyang alak; kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang. 3 Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae; siya’y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan: 4 Kung sinoma’y musmos, pumasok dito: […]

Mga Kawikaan 10

1 Mga kawikaan ni Salomon. Ang pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama: nguni’t ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina. 2 Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan: nguni’t ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan. 3 Hindi titiisin ng Panginoon na magutom ang kaluluwa ng matuwid: nguni’t kaniyang itinatakuwil ang nasa ng […]