Job 1

1 May isang lalake sa lupain ng Uz, na ang pangalan ay Job; at ang lalaking yaon ay sakdal at matuwid, at natatakot sa Dios, at humihiwalay sa kasamaan. 2 At may ipinanganak sa kaniya na pitong anak na lalake at tatlong anak na babae. 3 Ang kaniyang pag-aari naman ay pitong libong tupa, at […]

Job 2

1 Nangyari uli na sa araw nang pagparoon ng mga anak ng Dios upang magsiharap sa Panginoon, na nakiparoon din si Satanas, upang humarap sa Panginoon. 2 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? At si Satanas ay sumagot sa Panginoon, at nagsabi, Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon. […]

Job 3

1 Pagkatapos nito’y ibinuka ni Job ang kaniyang bibig at sinumpa ang kaniyang kaarawan. 2 At si Job ay sumagot, at nagsabi, 3 Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na nagsabi, may lalaking ipinaglihi. 4 Magdilim nawa ang kaarawang yaon; huwag nawang pansinin ng Dios mula sa itaas, ni silangan […]

Job 4

1 Nang magkagayo’y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi, 2 Kung tikman ng isa na makipagusap sa iyo, ikababalisa mo ba? Nguni’t sinong makapipigil ng pagsasalita? 3 Narito, ikaw ay nagturo sa marami, at iyong pinalakas ang mahinang mga kamay. 4 Ang iyong mga salita ay nagsialalay sa nangabubuwal, at iyong pinalakas ang mahinang […]

Job 5

1 Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo? At sa kanino sa mga banal babalik ka? 2 Sapagka’t ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal, at ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang. 3 Aking nakita ang hangal na umuunlad: nguni’t agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan. 4 Ang kaniyang mga anak ay […]

Job 6

1 Nang magkagayo’y sumagot si Job at nagsabi, 2 Oh timbangin nawa ang aking pagkainip, at ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama. 3 Sapagka’t ngayo’y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat: kaya’t ang aking pananalita ay napabigla. 4 Sapagka’t ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay […]

Job 7

1 Wala bang kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa? At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa? 2 Na gaya ng alipin na ninanasang mainam ang lilim, at gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan: 3 Gayon ako pinapagdaan ng mga buwan na walang […]

Job 8

1 Nang magkagayo’y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi, 2 Hanggang kailan magsasalita ka ng mga bagay na ito? At hanggang kailan magiging gaya ng makapangyarihang hangin ang mga salita ng iyong bibig? 3 Nagliliko ba ng kahatulan ang Dios? O nagliliko ba ang Makapangyarihan sa lahat ng kaganapan? 4 Kung ang iyong mga […]

Job 9

1 Nang magkagayo’y sumagot si Job, at nagsabi, 2 Sa katotohanan ay nalalaman kong ito’y gayon: nguni’t paanong makapaggaganap ang tao sa Dios? 3 Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya, siya’y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo. 4 Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan: sinong nagmatigas laban sa […]

Job 10

1 Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay; aking palalayain ang aking daing; ako’y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa. 2 Sasabihin ko sa Dios: Huwag mo akong hatulan; ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin. 3 Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati, na iyong itakuwil ang gawa ng […]