I Mga Hari 1

1 Si David na hari nga ay matanda at totoong magulang na; at kanilang tinakpan siya ng mga kumot, nguni’t siya’y hindi naiinitan. 2 Kaya’t sinabi ng mga lingkod niya sa kaniya, Ihanap ang aking panginoon na hari ng isang dalaga: at patayuin siya sa harap ng hari, at libangin niya siya; at mahiga siya […]

I Mga Hari 2

1 Ang mga araw nga ni David na ikamamatay ay nalalapit; at kaniyang ibinilin kay Salomon na kaniyang anak, na sinasabi, 2 Ako’y yumayaon ng lakad ng buong lupa; ikaw ay magpakalakas nga at magpakalalake; 3 At iyong ingatan ang bilin ng Panginoon mong Dios, na lumakad sa kaniyang mga daan, na ingatan ang kaniyang […]

I Mga Hari 3

1 At si Salomon ay nakipagkamaganak kay Faraon na hari sa Egipto sa pag-aasawa niya sa anak na babae ni Faraon, at dinala niya sa bayan ni David, hanggang sa kaniyang natapos itayo ang kaniyang sariling bahay, at ang bahay ng Panginoon, at ang kuta ng Jerusalem sa palibot. 2 Ang bayan ay naghahain lamang […]

I Mga Hari 5

1 At si Hiram na hari sa Tiro ay nagsugo ng kaniyang mga lingkod kay Salomon; dahil sa kaniyang nabalitaan na siya’y kanilang pinahiran ng langis na maging hari na kahalili ng kaniyang ama, sapagka’t si Hiram ay naging laging maibigin kay David. 2 At si Salomon ay nagsugo kay Hiram, na kaniyang sinasabi, 3 […]

I Mga Hari 6

1 At nangyari nang ikaapat na raan at walong pung taon pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay nangakalabas sa lupain ng Egipto, nang ikaapat na taon ng paghahari ni Salomon sa Israel, nang buwan ng Ziph, na ikalawang buwan, na kaniyang pinasimulang itinayo ang bahay ng Panginoon. 2 At ang bahay na itinayo […]

I Mga Hari 7

1 At itinayo ni Salomon ang kaniyang sariling bahay na labing tatlong taon, at kaniyang nayari ang kaniyang buong bahay. 2 Sapagka’t kaniyang itinayo ang bahay na kahoy sa gubat ng Libano; ang haba’y isang daang siko, at ang luwang ay limang pung siko, at ang taas ay tatlong pung siko, sa apat na hanay […]

I Mga Hari 8

1 Nang magkagayo’y pinisan ni Salomon ang mga matanda ng Israel at ang lahat na pangulo sa mga lipi, ang mga prinsipe sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel, sa haring Salomon sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bayan ni David na siyang Sion. 2 […]

I Mga Hari 9

1 At nangyari, nang matapos ni Salomon ang pagtatayo ng bahay ng Panginoon, at ng bahay ng hari, at ang lahat na nasa ni Salomon na kaniyang kinalulugurang gawin. 2 Na ang Panginoo’y napakita kay Salomon na ikalawa, gaya ng siya’y pakita sa kaniya sa Gabaon. 3 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Aking dininig […]

I Mga Hari 10

1 At nang mabalitaan ng reina sa Seba ang kabantugan ni Salomon tungkol sa pangalan ng Panginoon, ay naparoon siya upang subukin niya siya ng mga mahirap na tanong. 2 At siya’y naparoon sa Jerusalem na may maraming kaakbay, may mga kamelyo na may pasang mga espesia at totoong maraming ginto, at mga mahalagang bato: […]