Genesis 31

1 At narinig ni Jacob ang mga salita ng mga anak ni Laban, na nagsisipagsabi, Kinuha ni Jacob ang lahat ng sa ating ama; at doon sa mga sa ating ama ay tinamo niya ang buong karangalang ito. 2 At minasdan ni Jacob ang mukha ni Laban, at narito’t hindi sumasa kaniyang gaya ng dati. […]

Genesis 32

1 At ipinagpatuloy ni Jacob ang kaniyang paglakad, at sinalubong siya ng mga anghel ng Dios. 2 At sinabi ni Jacob nang makita niya sila, Ito’y hukbo ng Dios: at tinawag niya ang pangalan ng dakong yaon na Mahanaim. 3 At si Jacob ay nagpasugo sa unahan niya kay Esau, na kaniyang kapatid sa lupain […]

Genesis 33

1 At itiningin ni Jacob ang kaniyang mga mata at tumingin, at, narito, si Esau ay dumarating, at kasama niya’y apat na raang tao. At kaniyang binahagi ang mga bata kay Lea at kay Raquel, at sa dalawang alilang babae. 2 At inilagay niya ang mga alila na kasama ng kanilang mga anak na pinakapanguna, […]

Genesis 34

1 At lumabas si Dina na anak ni Lea, na ipinanganak nito kay Jacob, upang tingnan ang mga anak na babae ng lupaing yaon. 2 At siya’y nakita ni Sichem, anak ni Hamor, na Heveo, na prinsipe sa lupain; at siya’y kinuha at sumiping sa kaniya, at siya’y pinangayupapa. 3 At inilakip niya ang kaniyang […]

Genesis 35

1 At sinabi ng Dios kay Jacob, Tumindig ka, umahon ka sa Bethel, at tumahan ka roon; at gumawa ka roon ng isang dambana sa Dios na napakita sa iyo nang ikaw ay tumatakas mula sa harap ng iyong kapatid na si Esau. 2 Nang magkagayo’y sinabi ni Jacob sa kaniyang sangbahayan, at sa lahat […]

Genesis 36

1 Ito nga ang mga lahi ni Esau (na siyang Edom). 2 Si Esau ay nagasawa sa mga anak ng Canaan; kay Ada na anak ni Elon na Hethoh, at kay Aholibama, anak ni Ana na anak ni Zibeon na Heveo. 3 At kay Basemath na anak ni Ismael, na kapatid ni Nabaiot. 4 At […]

Genesis 37

1 At tumahan si Jacob sa lupaing pinangibahang lupain ng kaniyang ama, sa lupain ng Canaan. 2 Ito ang lahi ni Jacob. Si Jose, na may labing pitong taon, ay nagpapastol ng kawan na kasama ng kaniyang mga kapatid; at siya’y batang kasamahan ng mga anak ni Bilha at ng mga anak ni Zilpa, na […]

Genesis 38

1 At nangyari nang panahong yaon, na humiwalay si Juda sa kaniyang mga kapatid, at nagdaan sa isang Adullamita na ang pangalan ay Hira. 2 At nakita roon ni Juda ang anak na babae ng isang Cananeo, na tinatawag na Sua; at kinuha niya at kaniyang sinipingan. 3 At naglihi, at nanganak ng lalake; at […]

Genesis 39

1 At ibinaba si Jose sa Egipto; at binili siya ni Potiphar, puno ni Faraon, na kapitan ng bantay, na lalaking taga Egipto, sa kamay ng mga Ismaelita na nagdala sa kaniya roon. 2 At ang Panginoon ay suma kay Jose, at naging lalaking mapalad; at siya’y nasa bahay ng kaniyang panginoong taga Egipto. 3 […]

Genesis 40

1 At nangyari, na pagkatapos ng mga bagay na ito, na ang katiwala ng saro ng hari sa Egipto at ang kaniyang magtitinapay ay nangagkasala laban sa kanilang panginoon na hari sa Egipto. 2 At naginit si Faraon laban sa kaniyang dalawang tagapamahala, sa puno ng mga katiwala ng saro at sa puno ng mga […]