Job 21

1 Nang magkagayo’y sumagot si Job, at nagsabi, 2 Pakinggan ninyong mainam ang aking pananalita; at ito’y maging inyong mga kaaliwan. 3 Pagdalitaan ninyo ako, at ako nama’y magsasalita, at pagkatapos na ako’y makapagsalita, ay manuya kayo. 4 Tungkol sa akin, ay sa tao ba ang aking daing? At bakit hindi ako maiinip? 5 Tandaan […]

Job 22

1 Nang magkagayo’y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi, 2 Mapapakinabangan ba ang tao ng Dios? Tunay na siyang pantas ay nakikinabang sa kaniyang sarili. 3 May kasayahan ba sa Makapangyarihan sa lahat na ikaw ay matuwid? O may pakinabang ba sa kaniya na iyong pinasasakdal ang iyong mga lakad? 4 Dahil ba sa […]

Job 23

1 Nang magkagayo’y sumagot si Job, at nagsabi, 2 Magpahanggang ngayo’y mapanghimagsik ang aking daing: ang bugbog sa akin ay lalong mabigat kaysa aking hibik. 3 Oh mano nawang maalaman ko kung saan ko masusumpungan siya, upang ako’y dumating hanggang sa kaniyang likmuan! 4 Aking aayusin ang aking usap sa harap niya, at pupunuin ko […]

Job 24

1 Bakit ang mga kapanahunan ay hindi itinakda ng Makapangyarihan sa lahat? At bakit hindi nangakakakita ng kaniyang mga araw ang nangakakakilala sa kaniya? 2 May nagsisipagbago ng lindero; kanilang dinadalang may karahasan ang mga kawan, at pinasasabsab. 3 Kanilang itinataboy ang asno ng ulila, kanilang kinukuha ang baka ng babaing bao na pinakasangla. 4 […]

Job 25

1 Nang magkagayo’y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi, 2 Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya; siya’y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga mataas na dako. 3 May anomang bilang ba sa kaniyang mga hukbo? At doon sa hindi sinisikatan ng kaniyang liwanag? 4 Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios? O paanong […]

Job 26

1 Nang magkagayo’y sumagot si Job, at nagsabi, 2 Paano mong tinulungan siya na walang kapangyarihan! Paano mong iniligtas ang kamay na walang lakas! 3 Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan, at saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman! 4 Kanino mo binigkas ang mga salita? At kanino ang diwa na lumabas sa iyo? 5 […]

Job 27

1 At muling sinambit ni Job ang kaniyang talinhaga, at nagsabi, 2 Buhay ang Dios, na siyang nagalis ng aking katuwiran, at ang Makapangyarihan sa lahat na siyang nagpapanglaw ng aking kaluluwa; 3 (Sapagka’t ang aking buhay ay buo pa sa akin, at ang espiritu ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong); 4 […]

Job 28

1 Tunay na may mina na mayroong pilak, at dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan. 2 Bakal ay hinuhukay sa lupa, at tanso ay binububo mula sa bato. 3 Ang tao’y naglalagay ng wakas sa kadiliman, at sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman. 4 Siya’y […]

Job 29

1 At muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga, at nagsabi, 2 Oh ako nawa’y napasa mga buwan noong dakong una, gaya noong mga kaarawan ng binabantayan ako ng Dios; 3 Nang ang kaniyang ilawan ay sumisilang sa aking ulo at sa pamamagitan ng kaniyang liwanag ay lumalakad ako sa kadiliman; 4 Gaya noong ako’y […]

Job 30

1 Nguni’t ngayo’y silang bata kay sa akin ay nagsisitawa sa akin, na ang mga magulang ay di ko ibig na malagay na kasama ng mga aso ng aking kawan. 2 Oo, ang kalakasan ng kanilang kamay, sa ano ko mapapakinabangan? Mga taong ang kalusugan ng gulang ay lumipas na. 3 Sila’y lata sa pangangailangan […]