Juan 1

1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. 2 Ito rin nang pasimula’y sumasa Dios. 3 Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. 4 Nasa kaniya ang buhay; at ang […]

Juan 2

1 At nang ikatlong araw ay nagkaroon ng isang kasalan sa Cana ng Galilea; at naroon ang ina ni Jesus: 2 At inanyayahan din naman si Jesus, at ang kaniyang mga alagad, sa kasalan. 3 At nang magkulang ng alak, ang ina ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Wala silang alak. 4 At sinabi sa […]

Juan 3

1 May isang lalake nga sa mga Fariseo, na nagngangalang Nicodemo, isang pinuno ng mga Judio: 2 Ito rin ay naparoon sa kaniya nang gabi, at sa kaniya’y nagsabi, Rabi, nalalaman naming ikaw ay isang guro na nagbuhat sa Dios; sapagka’t walang makagagawa ng mga tanda na iyong ginagawa, maliban na kung sumasa kaniya ang […]

Juan 4

1 Nang maalaman nga ng Panginoon na nabalitaan ng mga Fariseo na si Jesus ay gumagawa at bumabautismo ng lalong maraming alagad kay sa kay Juan 2 (Bagaman hindi bumabautismo si Jesus, kundi ang kaniyang mga alagad), 3 Nilisan niya ang Judea, at naparoong muli sa Galilea. 4 At kinakailangang magdaan siya sa Samaria. 5 […]

Juan 5

1 Pagkatapos ng mga bagay na ito’y nagkaroon ng pista ang mga Judio; at umahon si Jesus sa Jerusalem. 2 Sa Jerusalem nga’y may isang tangke sa tabi ng pintuan ng mga tupa, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Betesda, na may limang portiko. 3 Na sa mga ito ay nangaghandusay ang marami sa […]

Juan 6

1 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay naparoon si Jesus sa kabilang ibayo ng dagat ng Galilea, na siyang dagat ng Tiberias. 2 At sumusunod sa kaniya ang lubhang maraming tao, sapagka’t kanilang nangakikita ang mga tanda na ginagawa niya sa mga maysakit. 3 At umahon si Jesus sa bundok, at doo’y naupo siya […]

Juan 7

1 At pagkatapos ng mga bagay na ito ay naglakad si Jesus sa Galilea: sapagka’t ayaw siyang maglakad sa Judea, dahil sa pinagsisikapan ng mga Judio na siya’y patayin. 2 Malapit na nga ang pista ng mga Judio, ang pista ng mga tabernakulo. 3 Sinabi nga sa kaniya ng kaniyang mga kapatid, Umalis ka rito, […]

Juan 8

1 Datapuwa’t si Jesus ay napasa bundok ng mga Olivo. 2 At pagka umaga ay nagbalik siya sa templo, at ang buong bayan ay lumapit sa kaniya; at siya’y naupo, at sila’y tinuruan. 3 At dinala sa kaniya ng mga eskriba at ng mga Fariseo ang isang babaing nahuli sa pangangalunya; at nang mailagay siya […]

Juan 9

1 At sa pagdaraan niya, ay nakita niya ang isang lalaking bulag mula sa kaniyang kapanganakan. 2 At itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kaniyang mga magulang, upang siya’y ipanganak na bulag? 3 Sumagot si Jesus, Hindi dahil sa ang taong ito’y nagkasala, […]

Juan 10

1 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang pumapasok sa hindi pintuan ng kulungan ng mga tupa kundi umaakyat sa ibang daan, ang gayon ay tulisan at magnanakaw. 2 Datapuwa’t ang pumapasok sa pintuan ay siyang pastor ng mga tupa. 3 Binubuksan siya ng bantaypinto; at dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig: at tinatawag […]