Mga Kawikaan 21

1 Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis: kumikiling saan man niya ibigin. 2 Bawa’t lakad ng tao ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni’t tinitimbang ng Panginoon ang mga puso. 3 Gumawa ng kaganapan at kahatulan ay lalong kalugodlugod sa Panginoon kay sa hain. 4 Ang mapagmataas […]

Mga Kawikaan 23

1 Pagka ikaw ay nauupong kumain na kasalo ng isang pangulo, kilanlin mong maigi siya na nasa harap mo; 2 At maglagay ka ng sundang sa iyong lalamunan, kung ikaw ay taong bigay sa pagkain. 3 Huwag kang mapagnais ng kaniyang mga masarap na pagkain; yamang mga marayang pagkain. 4 Huwag kang mainip sa pagyaman; […]

Mga Kawikaan 24

1 Huwag kang mananaghili sa mga masamang tao, ni magnasa ka man na masama sa kanila: 2 Sapagka’t ang kanilang puso ay nagaaral ng pagpighati, at ang kanilang mga labi ay nagsasalita ng kalikuan. 3 Sa karunungan ay natatayo ang bahay; at sa pamamagitan ng unawa ay natatatag. 4 At sa pamamagitan ng kaalaman ay […]

Mga Kawikaan 26

1 Kung paano ang niebe sa taginit, at kung paano ang ulan sa pagaani, gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang. 2 Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad, gayon ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab. 3 Ang paghagupit ay sa kabayo, ang paningkaw ay […]

Mga Kawikaan 27

1 Huwag mong ipaghambog ang kinabukasan; Sapagka’t hindi mo nalalaman kung ano ang ilalabas ng ibang araw. 2 Purihin ka ng ibang tao at huwag ng iyong sariling bibig; ng iba, at huwag ng iyong sariling mga labi. 3 Ang bato ay mabigat, at ang buhangin ay matimbang; nguni’t ang galit ng mangmang ay lalong […]

Mga Kawikaan 28

1 Ang masama ay tumatakas ng walang taong humahabol: nguni’t ang matuwid ay matapang na parang leon. 2 Dahil sa pagsalangsang ng lupain ay marami ang kaniyang mga pangulo: nguni’t sa naguunawa at matalino ay malalaon ang kalagayan niya. 3 Ang mapagkailangan na pumipighati sa dukha ay parang bugso ng ulan na hindi nagiiwan ng […]

Mga Kawikaan 29

1 Ang madalas na masaway na nagpapatigas ng kaniyang leeg, biglang mababali, at walang kagamutan. 2 Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni’t pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga. 3 Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama: nguni’t ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang […]