Mga Awit 141

1 Panginoon, ako’y tumawag sa iyo: magmadali ka sa akin: pakinggan mo ang tinig ko, pagka ako’y tumatawag sa iyo. 2 Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo; ang pagtataas ng aking mga kamay na parang hain sa kinahapunan. 3 Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig; ingatan […]

Mga Awit 142

1 Ako’y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon; ako’y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon. 2 Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya; aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko. 3 Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko, nalaman mo ang aking landas. Sa daan na aking nilalakaran ay pinagkukublihan nila ako […]

Mga Awit 143

1 Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik: sa iyong pagtatapat ay sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran. 2 At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod; sapagka’t sa iyong paningin ay walang taong may buhay na aariing ganap. 3 Sapagka’t pinagusig ng kaaway ang […]

Mga Awit 144

1 Purihin ang Panginoon na aking malaking bato, na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma, at ang mga daliri ko na magsilaban: 2 Aking kagandahang-loob, at aking katibayan, aking matayog na moog, at aking tagapagligtas; aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong; na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin. 3 Panginoon, ano […]

Mga Awit 145

1 Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man. 2 Araw-araw ay pupurihin kita; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man. 3 Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin; at ang kaniyang kadakilaan ay hindi masayod. 4 Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa […]

Mga Awit 146

1 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. 2 Samantalang ako’y nabubuhay ay pupurihin ko ang Panginoon: ako’y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako’y may buhay. 3 Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo. 4 Ang hininga […]

Mga Awit 147

1 Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka’t mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios; sapagka’t maligaya, at ang pagpuri ay nakalulugod. 2 Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem; kaniyang pinipisan ang mga natapon na Israel. 3 Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at tinatalian niya ang kanilang mga sugat. 4 Kaniyang sinasaysay ang bilang […]

Mga Awit 148

1 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit: purihin ninyo siya sa mga kaitaasan. 2 Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel: purihin ninyo siya, buo niyang hukbo. 3 Purihin ninyo siya, araw at buwan: purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag. 4 Purihin ninyo siya, ninyong […]

Mga Awit 149

1 Purihin ninyo ang Panginoon. Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, at ng kaniyang kapurihan sa kapisanan ng mga banal. 2 Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya: magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari. 3 Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw: magsiawit sila ng mga pagpuri […]

Mga Awit 150

1 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario: purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan. 2 Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa: purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan. 3 Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak: purihin ninyo siya ng salterio at alpa. 4 […]