Mga Awit 41

1 Mapalad siya na nagpapakundangan sa dukha: ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan. 2 Pananatilihin siya, at iingatan siyang buhay ng Panginoon, at siya’y pagpapalain sa ibabaw ng lupa; at huwag mong ibigay siya sa kalooban ng kaniyang mga kaaway. 3 Aalalayan siya ng Panginoon sa hiligan ng panghihina: iyong inaayos ang buo […]

Mga Awit 42

1 Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig ng mga batis, gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh Dios. 2 Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios, ang buhay na Dios: kailan ako paririto, at haharap sa Dios? 3 Ang aking mga luha ay naging aking pagkain araw at gabi, Habang […]

Mga Awit 43

1 Hatulan mo ako, Oh Dios, at ipagsanggalang mo ang aking usap laban sa masamang bansa: Oh iligtas mo ako sa magdaraya at hindi ganap na tao. 2 Sapagka’t ikaw ang Dios ng aking kalakasan; bakit mo ako itinakuwil? Bakit ako yumayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway? 3 Oh suguin mo ang iyong liwanag […]

Mga Awit 44

1 Narinig namin ng aming mga pakinig, Oh Dios, isinaysay sa amin ng aming mga magulang, kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan, ng mga kaarawan ng una. 2 Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa, nguni’t itinatag mo sila; iyong dinalamhati ang mga bayan, nguni’t iyong pinangalat sila. 3 Sapagka’t […]

Mga Awit 45

1 Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay: aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa hari: ang aking dila ay panulat ng bihasang manunulat. 2 Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao; biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi: kaya’t pinagpala ka ng Dios magpakailan man. […]

Mga Awit 46

1 Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan. 2 Kaya’t hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago, at bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat; 3 Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag. Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon. (Selah) 4 […]

Mga Awit 47

1 Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay. 2 Sapagka’t ang Panginoong kataastaasan ay kakilakilabot; siya’y dakilang Hari sa buong lupa. 3 Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin, at ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa. 4 Kaniyang ipipili […]

Mga Awit 48

1 Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok. 2 Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang Hari. 3 Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan. 4 Sapagka’t narito, ang […]

Mga Awit 49

1 Dinggin ninyo ito, ninyong lahat na mga bayan; pakinggan ninyo, ninyong lahat na nananahan sa daigdig: 2 Ng mababa at gayon din ng mataas, ng mayaman at ng dukha na magkasama. 3 Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan; at ang pagbubulay ng aking puso ay magiging sa pagunawa. 4 Ikikiling ko ang aking […]

Mga Awit 50

1 Ang makapangyarihang Dios, ang Dios na Panginoon, ay nagsalita, at tinawag ang lupa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon. 2 Mula sa Sion na kasakdalan ng kagandahan, sumilang ang Dios. 3 Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, at magiging totoong malaking bagyo […]