Mga Awit 121

1 Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo? 2 Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa. 3 Hindi niya titiising ang paa mo’y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip. 4 Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni […]

Mga Awit 123

1 Sa iyo’y aking itinitingin ang mga mata ko, Oh sa iyo na nauupo sa mga langit. 2 Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon, kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae; gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon […]

Mga Awit 124

1 Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, sabihin ng Israel ngayon, 2 Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin: 3 Nilamon nga nila sana tayong buhay, nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin: 4 Tinabunan nga sana tayo ng tubig, dinaanan […]

Mga Awit 125

1 Silang nagsisitiwala sa Panginoon ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man. 2 Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem, gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan, mula sa panahong ito at sa magpakailan man. 3 Sapagka’t ang cetro ng kasamaan ay hindi bubuhatin sa […]

Mga Awit 127

1 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo: malibang ingatan ng Panginoon ang bayan, walang kabuluhang gumigising ang bantay. 2 Walang kabuluhan sa inyo na kayo’y magsibangong maaga, at magpahingang tanghali, at magsikain ng tinapay ng kapagalan: sapagka’t binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal. 3 Narito, ang mga anak […]

Mga Awit 128

1 Mapalad ang bawa’t isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan. 2 Sapagka’t iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo. 3 Ang asawa mo’y magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay: ang mga anak mo’y parang mga puno ng […]

Mga Awit 129

1 Madalas na ako’y dinalamhati nila mula sa aking kabataan, sabihin ngayon ng Israel, 2 Madalas na ako’y dinalamhati nila mula sa aking kabataan: gayon ma’y hindi sila nanganaig laban sa akin. 3 Ang mga mangaararo ay nagsiararo sa aking likod; kanilang pinahaba ang kanilang bungkal. 4 Ang Panginoon ay matuwid: kaniyang pinutol ang mga […]

Mga Awit 130

1 Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon. 2 Panginoon, dinggin mo ang aking tinig: pakinggan ng iyong mga pakinig ang tinig ng aking mga pamanhik. 3 Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo? 4 Nguni’t may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan. 5 Aking hinihintay […]