Mga Awit 131

1 Panginoon, hindi hambog ang aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata; ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay, o sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin. 2 Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa; parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina, ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay […]

Mga Awit 132

1 Panginoon, alalahanin mo para kay David ang lahat niyang kadalamhatian; 2 Kung paanong sumumpa siya sa Panginoon, at nanata sa Makapangyarihan ni Jacob: 3 Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay, ni sasampa man sa aking higaan, 4 Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata, o magpapaidlip man sa […]

Mga Awit 133

1 Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa! 2 Parang mahalagang langis sa ulo, na tumutulo sa balbas, sa makatuwid baga’y sa balbas ni Aaron. Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot; 3 Gaya ng hamog sa Hermon, na tumutulo sa mga bundok ng Sion: sapagka’t doon […]

Mga Awit 134

1 Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon. Ninyong nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon. 2 Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario, at purihin ninyo ang Panginoon. 3 Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion; sa makatuwid baga’y niyaong gumawa ng langit at lupa.

Mga Awit 135

1 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon; purihin ninyo siya, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon: 2 Ninyong nagsisitayo sa bahay ng Panginoon. Sa mga looban ng bahay ng ating Dios. 3 Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka’t ang Panginoon ay mabuti: magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniyang pangalan; sapagka’t maligaya. […]

Mga Awit 136

1 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka’t siya’y mabuti: sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 2 Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios: sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 3 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon: sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 4 Sa kaniya na gumagawang magisa ng […]

Mga Awit 137

1 Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia, doo’y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo, nang ating maalaala ang Sion. 2 Sa mga punong sauce sa gitna niyaon ating ibinitin ang ating mga alpa. 3 Sapagka’t doo’y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit, at silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa […]

Mga Awit 138

1 Ako’y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso: sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo. 2 Ako’y sasamba sa dako ng iyong banal na templo, at magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan: sapagka’t iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong […]

Mga Awit 139

1 Oh Panginoon, iyong siniyasat ako, at nakilala ako. 2 Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig, iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo. 3 Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan, at iyong kilala ang lahat kong mga lakad. 4 Sapagka’t wala pa ang salita sa aking dila, nguni’t, narito, […]

Mga Awit 140

1 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa masamang tao; ingatan mo ako sa marahas na tao: 2 Na nagaakala ng kasamaan sa kanilang puso: laging nagpipipisan sila sa pagdidigma. 3 Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas; kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi. (Selah) 4 Ingatan mo ako, Oh Panginoon, sa […]